Friday, June 13, 2008

Internet

Nakikipag-uganayan ka sa buong mundo
nang walang kasama
Nakikipag-usap ka gamit lamang, gaya ng bulag,
ay ang iyong kamay
Nararanasan mo ang lahat ng damdamin
nang ang gamit lang ay mata
Kahit hindi lumalakad ang iyong paa
sa sandaigdigan ka naglalakbay

Naghahanap ka man ng anuman
Kaalaman, kasiyahan, pahayagan
Dito sa maliit na makinilyang tangan
Maaabot mo saanman, kailanman

Nguni't ang kaliwa't kana'y nag-uubusan
Habang nasa golf club ang duwendeng sukaban
Dukha'y nagmamakaawa, ayaw limusan
Ng mga nagmamadaling sa Starbucks magmeryenda
Manggagawa'y nagpapawis, di masahuran
Ng mga manedyer na nakahilig sa tanggapan
Mga Tales at Selo, pinalalayas sa sakahan
Paano'y sa mga gusali't planta, doon paglalagyan

Nagtataka ka pa ba kung bakit kahit ang sabi
Mundo'y maliit na, madali nang magkausapan
Hindi pa rin magkaunawaan tayong magkakapatid
Dahil hati-hati, tunggaliang uri sating bayan?

~o~o~o~

Grabe, ubos talaga yata ang lakas at utak ko para magblog ngayong mga panahong ito a...

No comments:

Plurk