Hunyo 8, 2008
12:36 AM
12:36 AM
Ikaw na isang magnanakaw,
Oo, ikaw ang kinakausap ko. Ikaw na marahil ay naligaw lang dito dahil sa isang di-kawasang pangyayari na nakita mo ang blog na ito at naisipan mong puntahan dahil nga naman kaibigan, kung di man kapatid, ang pagturing mo sa akin. O kaya'y dahil palihim kundi man palinlang kitang ginanyak na puntahan ito dahil nga hindi ko na mapigil ang sarili ko na isigaw sa pamamagitan ng pipi nguni't abot hanggang sa dulo ng mundong tinig ng blog ang dapat ay matagal ko nang inamin sa iyo nang harapan. Hindi ko alam kung may nagbabasa man ng blog kong ito, pero kung inaakala nilang sila ang kausap ko, nagkakamali sila dahil ikaw lang, oo, IKAW LANG ang kausap ko sa mga sandaling mabasa mo ito kahit napakatagal nang panahon nalimbag ito.
Marahil nagtataka ka kung bakit tinatawag kita ngayong "magnanakaw" sa liham na ito, isang tawag na tila hindi bagay sa iyong mukha ni sa pagkatao mo. Isa ka nga yatang anghel sa lupa, pero hindi pa rin maikakaila ng punit-punit na laman sa dibdib ko na mayroon ka ngang ninakaw sa akin. Oo, ninakaw mo ang puso ko. Isang bagay na kung nawala sa akin ay dapat sana'y matagal na akong namatay, nguni't sa hindi ko maunawaang pangyayari e iniwan mo akong buhay para lalong maramdaman ang sakit ng pakiramdam na wala iyon, o higit pa, ikaw sa tabi ko.
Ang labo nga siguro ng pinagmulan ng pinagsasasabi ko ngayon e. Parang yung kanta nga ng Parokya ni Edgar na "Minamahal Kita"; hindi kita napuna noong una pero unti-unti nang nalaglag ang puso ko. Na aywan ko ba kung paano mo napulot kaya ganito ang kabuwangang, kung di man ito matatawag na kalumbayang, nadarama ko.
Sa lahat ba naman kasi ng pagkakataong mauunawaan ko sa sarili ko na matagal na pala akong nawawalan ng puso, sa isang pagkakataon pa ng kasiyahan, sa gabi pa ng pagkamit ninyo ng mga kaibigan mo ng mga pangarap ninyo. Siyempre, talagang masaya ako para sa inyo, lalo't para sa iyo. Ang tagal niyo ding pinaghirapan iyan di ba? Alam ko ang mga pinagdaanan mong pagtitiis, pagtataya at mga panahon na tila nalilito ka na sa dapat mong unahin o gawin; ang dalas kitang kausapin di ba? Kahit na tila seryoso ang usapan natin tungkol sa mga kailangan mo, nagagawa pa rin nating tumawa't masiyahan sa mga pangyayari sa buhay natin tuwing kausap kita. Kahit na nagkakandaubos na ang laman ng bulsa ko, sulit na sulit pa rin sakin dahil ikaw, ikaw na kapatid kong hindi ibinigay sa akin ang kausap ko. Parang napakaliwanag ng paligid ko kahit lumalakad ako sa madilim na kalye sa paaralan pauwi sa tinutuluyan ko.
Oo, ikaw na nga siguro ang isa sa mga naging liwanag sa buhay ko. Kasunod ng Diyos, kasunod ng mga tungkulin at pamilya ko ay ikaw ang tumutulak sa akin na ipagpatuloy ang mga pangarap ko sa buhay. Matapos sila, ikaw ang pinag-aalayan at pinaglalaanan ko ng lahat ng mabubuting bagay na dumarating sa buhay ko.
Kaya naman siguro nagmukha na talaga akong tanga sa sarili ko sa mga pinaggagagawa ko para sa iyo nang hindi mo alam. Nariyang padalhan kita ng isang bagay na marahil hindi mo alam kung kanino nanggaling nguni't binabasbasan mo ang gumawa noon kagaya ng naikwento mo sa akin. Alam mo ba kung gaano kalakas tumalon ang kaluluwa ko sa tuwa nang marinig ko iyon sa iyo? Hindi na ako makatulog sa tuwing naiisip ko iyon.
Kung tutuusin matagal ko nang tinuruan ang sarili kong tanggapin kung sakali mang hindi mo mauunawaan o piliing hindi unawain kung ano nga ba ang nararamdaman ko. Malaon na akong naghandang mabigo sa pagtatapat ko sa iyo ng tunay na nais kong sabihin sa tuwing makikita kita, makakasalubong kita, maririnig ang tinig mo. Pero sa tuwing pumapayapa na ang sarili ko sa pag-iisip nang ganon, sasambulat pa rin sa alaala ng isang kwento.
Ang kwento ng isang mag-aaral at isang guro ng eskrima.
Ang mag-aaral na iyon ang pinakamahusay na naturuan ng kanyang guro, kaya ito ang pinili niyang pagpasahan ng kanyang titulo. Sa katotohanan, inampon siya ng gurong iyon dahil pinatay ang kanyang mga magulang habang sila'y naglalakbay at muntik na rin siyang mamatay kung di lamang siya iniligtas ng guro. Nguni't sa isang di-inaasahang pangyayari, naglayas ang mag-aaral na iyon. Naging mamamatay-tao siya at napuno ng kalituhan ang kanyang sarili sa puntong nagkaroon na siya ng dalawang pagkatao: isang nagpipigil manakit ng iba at isang mamamaslang. Pagkatapos ng sampung taon, bumalik siya sa kanyang guro't nagmakaawang muli siyang turuan upang mapigil niya ang kaniyang sarili na muling pumaslang ng tao.
Sinabi ng kanyang guro: "Ituturo ko sa iyo ang iniwan mo noon at ipapasa sa iyo ang aking titulo, nguni't harapin mo ako sa isang duwelo hanggang kamatayan."
Tumugon ang kanyang mag-aaral: "Kung hindi ko rin matututunan ang inyong huling aral, mas makabubuting mamatay na lamang ako."
Tila nalumbay ang guro at winika: "Hindi mo pa natatagpuan ang tunay mong layon sa buhay. Binibigyan kita ng isang gabi para malaman iyon. Kapag pagsikat ng araw ay hindi mo pa nalalaman iyon, ako mismo ang tatapos sa buhay mo."
Pagdating ng umaga'y hindi pa rin niya nalalaman ang sagot, kaya humanda na ang guro upang tapusin ang kaniyang mag-aaral na itinuring niyang anak. Sa sandaling malapit nang dumantay ang talim ng espada sa kanyang dibdib, naalala ng mag-aaral ang kanyang nakaraan at ang bilin ng kaniyang ina bago ito mapaslang: "Mabuhay ka, anak. Hindi na kami makagagabay sa iyo sa paglaki mo sa mundong ito. Mabuhay ka, anak. Sa gayong paraan lang mabibigyang-kahulugan ang kawalang naranasan mo ngayon." Sa pitik ng liwanag, nagawa ng mag-aaral na matutunan ang huling aral ng kanyang maestro, nguni't kapalit nito ay ang isang malaking sugat sa dibdib nito na tumapos sa buhay nito.
Aywan ko kung nakuha mo ang kuwento, nguni't katulad ng mag-aaral na iyon, wala na ring silbi pang magtapat ako sa iyo kung wala na ring halaga sa akin kung ano ang sasabihin mo. Isa na lamang insulto sa iyo ang sabihin sa iyo na ikaw ang nagbibigay-kahulugan sa buhay ko nguni't wala akong pakialam sa sasabihin mo.
Totoo, walang pagbibiro't walang pagsisinungaling. Ikaw ang laging nilalaman ng isip ko, ikaw ang wallpaper ng cellphone ko, sa iyo ang Friendster account na lagi kong tinitignan, ikaw ang tinig na nais kong gumising sa akin tuwing umaga't magpapatulog sa akin tuwing gabi matapos ang nakakapagod na araw. Ikaw ang taong ayaw kong malaman o makitang lumuha man lang, ikaw ang babaeng makakapagpaamo sa nagugulumihanang kaluluwa ko sa pamamagitan ng isang munti mong ngiti. Ikaw ang nag-iisang nakalaman at nakaguhit sa puso ko kahit na humahabol ako sa sari-saring dilag na pinalad akong makangitian, makaawitan at makasama, na ngayon ko lang nalaman na isang napakalaking kasalanan sa isang magnanakaw na katulad mo.
Ikaw ang tanging iniibig ko, at wala na marahil akong mamahalin pa nang mas tapat at mas dalisay.

Ang iyong pinagnakawan,
Isang haling
Isang haling
No comments:
Post a Comment