Monday, September 15, 2008

Hindi Madadaig

Mula sa dilim, sa sulok ng paglalaho
Sing-itim ng hukay mula puno't dulo
Nagpapasalamat ako sa mga anito
Para sa matatag na kaluluwa ko

Sa mga nagigipit na kalagayan
Hindi ako lumuha't umiling man
Sa kabila ng pagbayo ni Kapalaran
Ang ulo'y di yuyuko kahit duguan

Mula dito sa lupain ng luha't poot
Ang namamayani'y karimlan ng laot
Nguni't lumipas man ang mga taon
Di matatakot sa masasamang layon

Hindi mahalaga ang makipot na landas
Kahit puno ng pahirap ang kalatas
Ako ang panginoon ng aking kapalaran
Sa kaluluwa ko, ako ang siyang lakan.

(salin ng tulang Invictus ni William Ernest Henley. Sinapakan lang po ng gana ulit).

Pakisuri't bigyan nyo sana ng kritisismo upang mapagbuti.

No comments:

Plurk