(Pasintabi kay Boss Nikko Gaspe: hindi pa ito yung blog ko ukol sa mga kaewanan natin nung Byernes ng gabi. Walang lalabas, pramis.)
(Pasintabi pa uli: Hindi ito ang magandang basahin kung nais ninyo akong makitang nag-aanalisa. Ranting na naman, syepaws. KOPYAHIN NG MGA TORPE ITO!!)
(At pasintabi pang lalo: ang pinatutungkulan ay napakabait, daig pa ang kahit sinong reyna).
Lagi bang iisiping ikaw ay isang pangarap?
Ay naku naman, ang tagal nang naghihirap!
Bakit ba kasi mata mo'y laging kumikislap?
O kaya'y napakaligaya tuwing ika'y kausap?
Napakalaking kalokohan nga namang talaga
Ang isiping sa iyo'y may pag-asa akong lubha
Maaari ngang tayo'y kapwa nagkakaunawa
Ano pa't wala nang iba; dahil ako'y ano nga ba?
Nananatiling hampaslupa, di lapat sayong sumamba.
Kakayanin bang iwasang mabuti ang titig mo?
Ang kaluluwang ito'y nabingwit ng pagsuyo
Sa ngiting matipid nguni't mayumi, wala nang hiling
Isa lamang; na iyo'y para lamang sa akin.
~~~~
Wala pa ring bokasyon.
Saturday, September 13, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment