Masarap ang lasa ng dugo. Mga ilang ulit ko na ngang iniisip kung bakit nga ba simula noong ipinanganak ako e hinanap-hanap ko ang amoy, ang lasa at ang lapot ng tumitilamsik na dugo. Hindi ko maintindihan kung bakit sa kabila ng katotohanang hindi ako sumibol sa Europa, kahit doon nagmula ang aking ama, ay naipasa sa aking mga ugat ang pagnanasang maligo sa dugo. Sa dugo ng dragong buhat sa alamat ng mga tribong Nordiko.
Kung tutuusin, ilang ilog na rin ng dugo ang aking pinaliguan. Ilang ulit ko na ring ginalugad ang mga kapatagan, kabundukan at kakahuyan sa balat ng lupa upang hanapin ang dragong papatayin ko't pagmumulan ng dugong paliliguan ko nang ako'y maging isang walang-kamatayang nilalang. Isang diyos sa lupa.
Ewan ko. Sa sobrang pagnanasa kong maligo sa dugo ng lintik na dragong iyan e kung sinu-sinong na ang inakala kong mga dragon. Nang minsan hindi kami nagkasundo ng tatay ko e inimbita ko siyang magkape, saka ko inulos sa tiyan. E nakaligtas ang gurang, di ayon, tumakbo. Nag-impake ng gamit. Lumayas. Ilang lawa din ng dugo ang iniwan niya sa lupa. Naligo ako, nagpagulong-gulong, ininom ang sariwa't maalat-alat na dugo. Pakiramdam ko noon, malaya na ako. Na ako ang pinakamalaya't pinakamalakas na tao sa mundo. Na dapat kong turuan ang mga ungas na alipin sa balat ng lupang ito na maging malayang katulad ko. Na ako ay isang bayani katulad sa alamat ng mga Nordiko. Isa akong mandirigmang isinilang upang galugarin ang bawa't sulok ng lupa at kamkamin ang lahat ng ito't magtayo ng isang kaharian katulad ng mga ninuno kong Kawkasiyano.
At gayon nga ang ginawa ko. Pinatay ko ang mga dragong diyos ng mga mangmang na nakalulan sa mga kabundukan na palaging pinauulanan ng mga palaso ang mga anak ko. Tinulungan kong lumaya ang mga alipin sa may katimugan ng tahanan ko. Pinayagan ko ding tumira sa aking lupain ang mga aliping uling, bagaman hindi ko sila pinahintulutang maturuan na maging kagaya ko. Hindi naman sila Kawkasiyano e; wala silang karapatan sa kabihasnan ko. Dati rin silang sumasamba sa isang dragon, at pinipilit siilang sambahin ang dalawang piraso ng kahoy na magkapatong mula sa isang pinsan kong may lahi ding dragon. Gayon din sa mga kapitbahay nila.
Pero sa lahat ng mga alipin ng pinsan kong iyan, wala akong naging paborito liban sa isang alipin niyang babaeng nadaramtan ng hinabing pinya. Oo, alam ko, tatlondaaang taon na siyang pinagpiyestahan ng pinsan kong iyan. Pero shet, ang ganda niya. Ang bango niya. Malaman siya. Mabango ang pinya. Masarap ang pinya. Makatas ang pinya. Oo, may mga anak na nga siya, mga batang pumunta sa bahay ng pinsan ko, na nakapulot ng mga kalokohang katulad ng karapatan, pagkakapantay-pantay, karunungan. Sabi ko sa nanay nila habang pinaiinom niya ako ng katas ng pinya, hindi sila natuto nang tama. Tinuruan ko sila. Pinag-aral ko sila kung paano mamahala, kung paano maging malaya katulad ko. Siyempre, may mga matigas ang ulo sa kanila. Ayaw matuto, ayaw magpaturo. Di kinailangang palambutin ang ulo. Kala mo kung sinong matitigas, konting palo lang, naging likido na ang mga bumbunan.
Masaya kami ng babaeng iyan. Mahal niya ako't mahal ko siya. Limampung taon kami naging masaya. Bumait din ang mga anak niya. Tinulungan din nila akong pumatay ng mas marami pang mga dragon. Hanggang isang walang-magawang dragon na may mga anak na mukhang unggoy ang pinasabugan ang tahanan namin. Winasak ang lahat ng pinundar ko't ipinagkaloob sa babaeng iyon. Inagaw niya. Sinaid ang katas ng pinyang tiniyak kong para sakin lang. Pinaggutay-gutay niya. Tarantado siya, sabi ko. Walanghiya siya. Kaya kinalkalako ang lahat ng buhangin sa dagat, pinagpira-piraso ko ang buhangin, lumikha ng isang bakal na sisidlang ipinukol ko sa palasiyo ng walanghiyang dragong iyan. Tarantadong iyan. Wala na akong pakialam sa dugo ng dragon. Nilayo niya sa akin ang mahal ko. Pinulbos ko siya. Oo, nabuhay siya. Pero ngayon siya mismo nagmamakaawa sakin
Oo, nagawa kong buhayin uli ang mahal ko. Pero hindi na siya katulad ng dati. Akala niya talagang iniwan ko siya noong lumusob ang putingalingaling na dragong iyon. Minsan nakakalimutan niyang mahal niya ako't mahal ko siya. Dumating pa nga sa puntong nakipagkalaguyo siya sa isa pang malayong pinsan ko sa Europa. Tinuruan ang ilan sa mga anak niyang maging rebelde, mamuhay sa bundok na parang mga unggoy. Tinuruan silang lokohin ang sarili nilang malaya sila. HIndi ganyan ang maging malaya, mga tanga. Kaya kinalaban ko rin ang pinsan kong iyon. Winasak ko't pinagwatak-watak ang mga anak ng pinsan kong iyon. Naligo ako sa dugo nila. Dugo ng lahing dragon.
Muli, ang lasa ng dugo. Maalat-alat, mainit-init, malapot. Tinuruan ko ang isa sa mga anak ng mahal ko na pumatay ng mga akapatid niyang sinapian ng dragon. Marami siyang pinatay. Pero pumatay din siya ng mga inosente. Kaya no ngayon ang tingin nila sa akin? Berdugo. Panginoon ng mga mamamaslang. Pasista. Imperyalista. Gahaman. Ganid. Lahat ng iba pang mga -ista na maiisip nila. At ano ang dahilan? Dahil lang gusto ko lang turuan ang mundo na maging malaya.
Bumalik ako't lumayong panandalian sa mahal ko. Sinubukan kong patayin ang mga aliping sinapian din ng dragon sa tangway ng Indotsina. Pero masyado silang marami. Maraming nagagalit sa akin. Maraming ayaw akong tulungan kahit kaya nila. Kaya nagapi ako. At maski ngayon, ngayong gumaganti lang ako sa mga dragon sa disyerto ng Arabya dahil pinatay niya ang mga anak ko... ako pa ang itinuturing na masama. Na terorista. Dahil lang gusto kong turuan ang mundo na maging malaya.
Bwisit talaga. Kahit kailan... wala na akong inisip. Pero ngayon ako pa ang itinuturing na salot sa mundo. Marami akong pinalaya't tinuruang tumindig. Walang nagturing saking ama. Tiyuhin lang lagi. Tiyuhing gago. Dahil lang gusto kong turuan ang mundo na maging malaya.
Dahil matanda na ako? Dahil puro puti na buhok ko? Dahil nagsusuot ako ng mga bituin, pula't bughaw na parang mukhang tanga? O di sige. Ayaw niyo lumaya. Di sige. Titigilan ko na ang pagtuturo ng pagiging malaya. Papalitan ko ang balat ko. Magpapakamahirap din akong tulad niyo. Wala nang paglaya, sige. Tanging pagbabago lang. AKO NA NGAYON ANG PAGBABAGO. AKO ANG PAGBABAGO. Kahit tiyuhin lang ang turing niyo sakin, magiging ama pa rin ako sa inyo. Kahit tawagin niyo pa ako ng kung anu-ano. Matatayo ko rin ang kaharian ko. Sa pamamagitan ng pagbabago, maliligo din ako sa dugo ng dragon. At magiging diyos din ako ng mundong ito.
Ako si SAM.

No comments:
Post a Comment