(paglalabas ng mga naghihimutok na bungang-utak bunga ng kapagalan sa burukratiko't antipolitikal na lunan ng pag-aaral, kahit nagpipilit ako pasukan ito ng politika. Ewan.)
Tungkulin naming daw ay mangalap ng kaalaman
Siyang totoo, ito ay aming kailangan
Nguni't kaya ba naming mangalap lamang
Habang maraming nakabitin sa alangaang?
Kaming kabataang nakakulong sa bisig ng saya
Paano aalpasan ang tukso at maling haraya
Hindi namin kaya ang magsawalang kibo
Liban na lamang kung kami ay igagapos ninyo
Pakakainin ng loto ng sakdal katangahan
At pagkatapos gawing mga utusang katawan
Na magtatayo, magtatayo, magtatayo
Hindi alam ang sarap ng kung paano magpagupo
Sapagka't sukat na ang panahon ng pag-usbong
Ng mga kalipunan ng mang-aapi't mga buhong
Ngayon na, ating padaliin ang paghuhukom
Tayong kabataan ang siyang maglalagom
Sa mga kasalanan ng mga sa ati'y nauna
Ngayon, tangnan na ang mga tabak at pana!
Sunugin ang kalunsuran, balikan ang kanayunan!
Simulan ang pagwasak sa pangsalaping sanlibutan!
Monday, February 22, 2010
Saturday, February 13, 2010
Oda Sa Kape
Naaalala ko lamang sa iyong halimuyak
ang mga alaala ng isang hacienda
Lunan ng mga multo ng encomienda
Na sumisikil at nag-iipit
Sa aming mga amang kuba na sa bukid
Sunog sa init ng araw, utak ay tinunaw
Habang ang salaping aming ninais
Ay hindi sumapat kahit kailan
Kahit pa pinag-usapan
At sa bawa't pagsipsip ng likidong
Nakuha mula sa mga buto ng ani
Ay inyong sinasaid ang aming dugo
Na matagal nang dinilig ang lupang ito
sa oras ng pagsusumikap
Sa panahon ng pagkamkam at paglipol sa amin
Kaya sa tuwing ako'y makakatikim
Ng mapait na nektar na iyan
Ako'y sumusumpa sa bawa't patak
Na ang katarunga'y sasakanila
Kungdi ang mga sugat ay aantak.

Ang Maglakad Habang May Bitbit Na Rosas
May mga pagkakataong kailangan magsama-sama ang mga hindi dapat magsama para may sumabog at lumabas ang isang hiyas. Parang paglikha lang ng granada: mga kemikal na hindi talaga pinagsama ng kalikasan pero ginagamit natin sa pagmina ng mga mahahalagang bato. Kaya eto, nagbabalik ang inyong sabog na blogger upang muling magtala ng mga pananaw sa buhay.
Sa tagal ko ring hindi nakapagsulat tungkol sa kalagayang pangkaraniwan, para uli akong natututong magsulat ng a-ba-ka-da. Para uli akong ginagabayan kung paano humakbang gamit ang mahihinang yapak. Para uli akong natututong magmahal.
Simulan natin sa isang awiting matagal nang hindi naririnig ng mga bata ngayon:
Ang problema natin, kung tutuusin, hindi naman ang kawalan ng magagawa sa buhay. Sa totoo lang, masyado nga yata tayo maraming ginagawa sa buhay kaya nga tuloy hindi na natin maisipan ang maglakad. O sa ganoong pananaw, ang magmuni-muni ukol sa mga bagay-bagay na napapansin sa ating paligid. Dala ito ng agam-agam nating tayo'y mahuhuli sa ating mga tungkulin o, kung hindi man, ay ang mabalaho/magulo sa ating mga sariling suliraning dinadala at hindi maiwan sa bahay o sa pook ng trabaho.
Kagaya nito. Binilinan ako ng aking gurong si G. Rene Raneses na magsanay magsalita ukol sa isang salita nang walang tigil sa loob ng 20 minuto para maayos ko ang aking sabog na paraan ng pagsasalita. Pero sinira ang aking konsentrasyon sa pagsubok magsalaysay sa halaga ng tsokolate sa ating kasaysayan nang makita ko ang mukha nina Willie Revillame at ni Georgina Wilson na magkasama sa billboard ng Bench. Maski nga si Ms.Lia Cruz, hindi napalagay. Kumbaga, parang I Love You, Goodbye lang ito:
Naghahalikan sina Gabby Concepcion at Angelica. Ano na nga bang spelling ng DOM? Ang tunay na lalake, hindi gumagamit ng Lucida. Tanginang kumot yan lagi na lang may kumot na nakatakip kay Angelica Panganiban.
Mga ganoong kawirduhan, ganoong kasabugan, bilang halimbawa lang, ang nararanasan ko sa lahat ng kamalasan at stress na inabot ko sa loob ng mahigit magpipitong linggong pagbalik ko mula sa bakasyon tungo sa lahat ng proyektong pasakit ng ulo. Medyo lumaki ang dissonance ng aking kakayanang mag-isi at magsulat lalo't nasanay yata akong nagtatala gamit ang laptop. Hindi ko na tuloy magagawa ang aking proyekto na mag-contribute sa mga posibleng maging Festschrift nina Fr. Luis David o ni Sir RR. At ano ang mas nagdusa? Ang aking pagsusulat. Daig pa ang kinahig ng manok. Sa isang banda, hindi na ko mahahassle ng mga humihiram ng tala pag lumiban sa klase at kailangan gumawa ng absence report. Sa kabilang banda... yun na nga. Hindi na ko makakatulong sa kaklase bilang mabuting kaibigan. Labo.
Dahil din dito siguro, lutang din akong parang signifier sa buhay ngayon. Hindi ko rin malaman ang identidad ko, papalit-palit ang nais ko ngayon sa buhay. Minsan iisipin ko maging Jesuita, at magagalit naman ang aking pamilya dahil ako nga naman ang pumilit sa kanilang suportahan ang aking layon mag-abugasya. Minsan (actually, hindi minsan, halos araw-araw) iisipin ko nang magbigti o magpatiwakal para takasan ang lahat ng punyetang responsibilidad na hindi marunong ilugar ang kanilang sarili nang hindi sabay-sabay. Ewan ko rin, nagtataka ako kung paano nga ba ako nakarating sa puntong ito na hindi marunong ng time management o organisasyon ng buhay (kahit sabi noon ang galing ko daw dito. Mukhang wrong perception nga). Minsan iisipin kong seryosohin ang panliligaw (o pagbigyan ang mga nagpapaparamdam [KAPAL LANG, HUNGHANG, PARANG MERON, ANG KAPAL LANG] sakin), pero iisipin ko rin, makakasira lang ako pareho ng buhay ko at nung babae. (Sa kabila ng kabaklaan ko sa katawan hindi ko pa feel magpakamujer).
Kaya siguro mas trip ko na lang ang magpakalat ng bulaklak sa mga kaibigan. Dahil sa totoo lang, parang cheap thrill na ang Valentines sakin sa mga ganitong pagkakataon. Para masabi na lang ba na may binigyan (o kung hindi man, para naman pagtibayin ang mga mabuting pagkakaibigan, sa seryosong paraan). Lalo na siguro, siya na dapat kong binigyan talaga ng isang pumpon ng pulang rosas ay hindi ko na yata talaga makakasalubong sa loob ng silid-aralan upang makasama at sana, mahalin. Taeng kamalasan. Naghahanap ka sa labas, hinahanap mo sa loob, e bakit kasi naghahanap kung ang pag-ibig talaga ay darating na lang basta? Exactly. Ang dahilan ko, BASTA. At sabi ni Roberto Guevara: "kapag dumating ka na sa puntong BASTA, pag-ibig na yan." Kaya anlabo. Kaya putang-ina. saka na nga lang kaya.
Mukhang te-take 2 ako ng guidance counseling. At sa dami din naman ng problema ng bansang ito, na tungkulin kong labanan at panindigan bilang mag-aaral ng politika at nagsusumikap maging tunay na aktibistang mamamayan, sana nga ganito lang kadali pagsabayin:
"Ako'y nangangarap na ika'y makasama
Taglay ang pangakong iingatan kita
Ang ganda mong nahubog sa piling ng masa
Hinding-hindi kukupas, di malalanta;
Gaya ng pag-ibig, na alay ko sinta..."
"Ako'y nagagalak at tayo'y nagkasama
Sa bawa't pangarap, sa piling ng masa
Magkahawak-kamay sa pakikidigma
Para sa isang lipunang malaya;
At isang pag-ibig, tunay at dakila..."
Para sa mga nag-iisa (at iniwan) at mga nangagarap magmahal, siguro isabuhay muna natin yung kagaguhang pantasya ng mga istoryador na hindi puwede magkaasawa si Rizal dahil "kasal siya sa bayan." Minsan, sabi nga ng mga pilosopo, kailangan pairalin ang kalokohang paniniwala sa TRANSCENDENSIA para magkaroon pa tayo ng romantisismong lumaban kahit wala nang pag-asa sa ilang pagkakataon.
Patuloy lang tayo magmahal.

~O~O~O~

Subscribe to:
Posts (Atom)