Mga ilang pagkakataon na rin akong nasabihan at napadalhan ng mga imbitasyon at anyaya ng pakikibahagi sa mobilisasyon na magaganap bukas sa harap ng Kongreso. Bilang detalye, narito ang isang email na ipinadala sa akin:
JUNE 1-3, 2009
Student Assembly at the
House of Representatives
Assembly at 12:30pm
at Gate 2.5 benches
To urge our congressmen to vote in favor of CARPER and social justice.
KATARUNGAN. PASS CARPER NOW.
Contact RJ Smith at 09266894257 for details.
(Mga pasasalamat at pagpapaumanhin kay Bb. Rose Joy Smith sa pagsipi nito).
Ngayon, bilang isang manunulat at tagapagkilos (bilang kasapi't kabahagi) ng mga samahan at kilusan sa reproma't pagbabago, maaaring inaasahan akong sumali sa mga ganitong paraan ng pagpapahayag ng pangangailangan at pagpapahalaga sa ganitong kalalim na isyu ng pagsasaka at repromang agraryo. At bakit nga ba marahil hindi? Ginawa ko na ito dati, ginagawa ito ng mga kasama ko sa mga samahang sosyo-politikal sa loob ng Pamantasan. Mukhang katuwang, kabahagi at malaki ang maitutulong ko sa paglalatag ng bagong polisiya tungo sa pagbabago ng kalagayan ng agrikultura at ng liping magsasaka sa Pilipinas. At batay sa balitang nakalap sa araw na ito, mukhang malaki-laki naman ang pag-asang maipasa ng kasalukuyang Kongreso (sa pangunguna ng Senado [at sa pagsasatinig o pagpapasikat ni Senador Manuel Roxas II] sa pagratipika). Mukhang malaki-laki naman ang pag-asa sa tagumpay.
Pero IWINAWAKSI KO ANG KILUSANG ITO. BASURA LAMANG ANG PINAKAMABUTING MAIBIBIGAY SA ATIN NG SISTEMANG ITO.
Bakit ko ito sinasabi? Bakit ako tila ngayon kumakalas sa pakikibahagi sa laban ng pesante? Sapagkat HINDI ITO, WALA DITO ANG KALUTASAN. Narito't aking ipapaliwanag:
UNA. Kaduda-duda, sa ganang akin, ang mga polisiyang pinagtitibay sa panahon na malapit na ang halalan. Nakalulungkot man, hindi pa rin nag-iiba ang tinuran ng Editoryal ng Philippine Free Press noong Mayo 24, 1958 (na siya ring araw ng kapanganakan ng aking ina) na ang ating Kongreso (kung marapat pa bang tawaging Kongreso ang sambahayan ng mga payaso't ungas na lumulustay sa ating kabang-bayan para manood ng boksing sa Las Vegas) ay mayroon pa ring sakit kagaya ng mga karaniwang mag-aaral (na mayroon din ang mga Atenista): CRAMMING. Sa loob ng 3 taon na termino ng bawa't Kapulungan, wala silang ginagawa at sa mga huling 3 o 5 buwan na lamang ng huling taon bago maghalalan magpapasa ng mga batas na mahahalaga nguni't minadali na ang mga pagkakagawa. Dulot nito, hindi mailatag kung paano isasagawa at ipapatupad. Gumagawa lamang sila ng mga batas para bumango ang kanilang pangalan sa mga mamamayan na kailangan nila ang boto. Hanggang ngayon, sa ating pagpapalaganap ng liberal-demokratikong pananaw, hindi pa rin nagbabago ang kanilang pananaw sa tunay na papel ng mga mamamayan: "Philippine political parties have largely been patronage-giving and vote-gathering machines. Voters... are treated as passive entities waiting for handouts, rather than as citizens whose parties represent. (Ang mga partido politikal sa Pilipinas ay laging mga tagabasbas at tagapagkamal ng boto. Ang mga botante ay itinuturing na mga entidad na di-kumikilos at nag-aantay lamang ng pamudmod, kaysa mga mamamayan na kinakatawan nila ang mga interes." (Coronel et al. 2004, 62).
IKALAWA. Magpakailanman, hindi mauunawaan ni matututo ang karamihan ng mga sakim na panginoong maylupa na ang lupa ay isang bagay na hindi maaaring angkinin sapagka't ito, sa kanyang naturalesa, ay nilikha bilang tirahan ng lahat at hindi nararapat kamkamin nang walang masamang kahahantungan. Kinikilala mismo ng tagapagtaguyod ng CARPER na si Kinatawan Risa Hontiveros-Baraquiel sa panayam ng Philippine Daily Inquirer na kahit mayroon nang suporta ng 113 kasapi, na may 54 katuwang na may-akda at 48 na mga nangakong lalagda ang panukala, hindi ito makausad dahil inuupuan lamang ito ni Tagapagsalita Prospero Nograles sa udyok ng mga panginoong maylupa. Ikaila man nila, hanggang ngayon ay buhay pa rin ang kasuklam-suklam na maxim ni dating Kinatawan Hortensia Starke: na ang pag-alis ng pagmamay-ari ng lupa ay isang paglapastangan sa "karangalan" ng naghaharing-uri. (Coronel et al. 2004, 36). Hangga't matatag at malakas at matibay na nakaugit ang kapangyarihan ng mga maylupa't may mga negosyong kakabit nito na nagnanais magkamal, hindi maaasahang magbago ang sitwasyong ito. Maaaring sabihin ni Senador Roxas na "ipinapaubaya niya ang interes ng kanyang pamilya sa kapakanan ng mga magsasaka," nguni't hindi maiiwasan ang pagdududa dahil sa huling dahilang aking tuturan.
IKATLO. Sapagka't kahit man nga mangyari na na maipasa ang panibagong batas ukol sa repormang agraryo, asahan nang ito'y bubutasang muli at babalahurain para pa rin sa kapakanan ng mga panginoong maylupa't kanilang mga kasosyo. Hindi pa rin tayo tila natututo sa babala ni Padre Fernandez: '
Ang isang institusyong walang pagtitiwala at walang inisip kahit kailan kundi ang kanilang sarili ay hindi nararapat nang patagalin ang pag-iral. Hindi tayo nararapat magtiwala pa ni katiting sa ganitong institusyon sapagka't atin lamang pagtitibayin ang bulaang paniniwalang may magagawa pa sila. Kalokohan sa ganitong kalagayan ang sundin ang haka-haka ni Nick Joaquin na, kagaya ng Espanya na nangako ng panghuling-pagkakataong amnestiya sa hukbo ni Emilio Aguinaldo ay "wala na silang lakas ng loob na makipaglokohan pa." Ang isang bayang inilubog sa kamangmangan ay ulit-ulit na lilinlangin ng mga halang ang kaluluwang hinalal natin at pinayuyuko tayo upang tawagin silang "Karangal-rangal." KASUKA-SUKA!
WALA SA KONGRESO NG MGA PAYASO'T HUNGHANG ANG PAG-ASA SA NGAYON, KUNDI SA PARLAMENTARYO NG LANSANGAN. NASASA ISANG DIGMANG-BAYAN.
Mga Sanggunian:
Coronel, Shiela S., Yvonne T. Chua, Luz Rimban and Booma B. Cruz. The Rulemakers: How the Wealthy and Well-born Dominate Congress. Quezon City: PCIJ, 2004.
Joaquin, Nick. A Question of Heroes. Pasig: Anvil, 1977, 2005.
"Editorial." Philippine Free Press, May 24, 1958.
Rizal, Jose. El Filibusterismo: El Continuacion del Noli Me Tangere. Berlin: Boekdrukkerij F. MEYER-VAN LOO, 1891.
"Senate passes CARP on 3rd reading," ni Michael Lim Ubac. Philippine Daily Inquirer. (tinungo 1 Hunyo 2009).

... corruptissima in republica plurima leges, dijo Tácito. Para evitar un caso de fraude, se dictan un millon remedio de disposiciones preventivas é insultantes, que producen el efecto inmediato de despertar en el público las ganas dede eludir y burlar tales prevenciones: para hacer criminal á un pueblo no hay más que dudar de su virtud. ("Nagbubunga ng lalong kabulukan sa isang republika ang sanrekwang batas" sabi ni Tacito. Upang pigilan ang isang kasinungalingan, ibinibigay ang angaw-angaw na tagapigil o tagapagpahiyang mga kautusan, na ang kagyat na bunga ay buhayin sa sambayanan ang pagnanais na iwasin at libakin ang mga kautusang iyon. Upang gawing tulisan ang isang bayan, wala nang ibang kailangang gawin kundi pag-alinlanganan ang kanilang katapatan.) (Rizal 1891, 212).
Ang isang institusyong walang pagtitiwala at walang inisip kahit kailan kundi ang kanilang sarili ay hindi nararapat nang patagalin ang pag-iral. Hindi tayo nararapat magtiwala pa ni katiting sa ganitong institusyon sapagka't atin lamang pagtitibayin ang bulaang paniniwalang may magagawa pa sila. Kalokohan sa ganitong kalagayan ang sundin ang haka-haka ni Nick Joaquin na, kagaya ng Espanya na nangako ng panghuling-pagkakataong amnestiya sa hukbo ni Emilio Aguinaldo ay "wala na silang lakas ng loob na makipaglokohan pa." Ang isang bayang inilubog sa kamangmangan ay ulit-ulit na lilinlangin ng mga halang ang kaluluwang hinalal natin at pinayuyuko tayo upang tawagin silang "Karangal-rangal." KASUKA-SUKA!
WALA SA KONGRESO NG MGA PAYASO'T HUNGHANG ANG PAG-ASA SA NGAYON, KUNDI SA PARLAMENTARYO NG LANSANGAN. NASASA ISANG DIGMANG-BAYAN.
Mga Sanggunian:
Coronel, Shiela S., Yvonne T. Chua, Luz Rimban and Booma B. Cruz. The Rulemakers: How the Wealthy and Well-born Dominate Congress. Quezon City: PCIJ, 2004.
Joaquin, Nick. A Question of Heroes. Pasig: Anvil, 1977, 2005.
"Editorial." Philippine Free Press, May 24, 1958.
Rizal, Jose. El Filibusterismo: El Continuacion del Noli Me Tangere. Berlin: Boekdrukkerij F. MEYER-VAN LOO, 1891.
"Senate passes CARP on 3rd reading," ni Michael Lim Ubac. Philippine Daily Inquirer.
~O~O~O~
No comments:
Post a Comment