Showing posts with label politics. Show all posts
Showing posts with label politics. Show all posts

Thursday, July 22, 2010

Kung Binabasa Mo To, Bakit Hindi Ka Aktibista (O Bakit Ka Nananatiling Aktibista)?

BAKIT AKO NAG-AARAL? Naisip mo ba yun kahit minsan, o dahil sa puntong ito ng buhay mo na bata ka pa naman kaya hindi mo pinag-iisipan? Malamang hindi di ba? Nag-aaral ka kasi lahat ng kaedad mo nag-aaral. Nag-aaral ka kasi pinasok ka sa ekwelahan ng magulang mo. Nag-aaral ka kasi natutuwa ka. Nag-aaral ka kasi hindi ka naman talaga nasa eskwelahan para matuto: gusto mo magkaroon ng kaibigan. Nag-aaral ka kasi... basta. Andyan e. At pag di ka nag-aral pagagalitan ka. Kukunsiyensiyahin ka. Ituturo sa iyo ang mga kaedad mong hindi nag-aaral dahil tamad sila, wala silang utang na loob sa magulang nila, kaya dahil ka ganoon, nandyan ka, nasa isang “mabuting” pamilya, inaasahan ka mag-aral para payabungin pa ang lagay ng pamilya mo.

Maraming dumaan sa eskwelahan na ganyan ang tinakbo ng utak mula pagkabata hanggang mamatay. Hindi na bago tong kwentong to. Nag-aaral kasi gusto nilang umangat ang buhay. Nag-aaral kasi iyon ang tradisyon: nasa pamilya na na nasa eskwelahang ito sila nagsimula at magtatapos kaya dapat huwag sirain ang tradisyon ng pamilya. Nag-aaral ka kasi, gusto mong may patunguhan ang buhay mo, at sinasabi kong “may patutunguhan” sa imahen ng “may magandang trabaho, malaki ang kita, hindi nagugutom, may kaya.” Para maipagmalaki ng magulang, mag-anak at pamilya. Para respetuhin ng lipunan. Para maayos ang takbo ng buhay, may kasiguraduhan. Halos lahat naman yata tayo sa puntong ito takot sumugal kaya laging “play on the safe side.” Sumunod sa utos. Ang sumunod, may biyaya. Ang pasaway, may parusa. Simple di ba?

Pero sa dinami-dami ng sagot na yun, siguradong-sigurado ko, kahit hindi mo sabihin, maiisip mo rin yun: “pero hindi lang yun e.” Sa dami ng rason na ibinigay sa iyo ng ilang taon mong pamumuhay, hindi mo pa rin sasabihing iyon lang ang takbo ng buhay mo. Iyon lang ang tanging rason mo kung bakit mo ginagawa to. Kung mangyari man na yun nga lang ang sagot mo, iniisip mo: “maski hindi ok, matututunan ko namang mahalin to.” Tignan natin yun. Bakit mo gustong “matutunan mahalin” ang isang bagay? Kasi pakiramdam mo, andito ka na e. Ganyan talaga; sulitin mo na lang. Hindi mo man pinili, at kahit baliktarin mo ang panahon siguradong hindi mo mapipiling hindi piliin ito, ganito ang takbo. Kumbaga kinwento nga sa akin ng isang guro: “may pagka-tinapon ka sa lagay mo.” Nandyan ka sa pamilyang yan na pinahahalagahan ang edukasyon nang hindi mo pinili. Nandyan ka sa isang pamilyang wasak-wasak at hindi ka tinuruan kahit minsan ng kahit ano nang hindi mo pinili. Pero may nais kang gawin. May nais kang maabot. At ayaw mong papigil sa kung ano ang meron ngayon upang makuha mo ang nais mo bukas. Kaya kahit pakiramdam mo hindi mo talaga nais gawin ito, kailangan mo gawin, kasi may rason ka. Pinanghawakan mo na.

Kaya naman iisipin mo: “Nag-aaral ako dahil gusto ko, at gusto kong may marating.” Ipagpalagay natin: nais mong mag-aral dahil nais mong magkatrabaho nang matino. Nais mong maging maayos ang buhay mo. Nais mong yumaman, o kaya maging sapat ang hawak sa araw-araw. Kaya kailangan mo ng maganda, matino at maayos ang sweldong trabaho.

~O~O~O~

BAKIT AKO NAGTATRABAHO? Nasabi na natin kanina ang mga rason mo kung bakit ka nag-aaral, para makarating ka sa puntong nais mo magtrabaho. Nagtatrabaho ka dahil ika nga, kailangan mo mabuhay. Kailangan ng pantustos. Kailangan mo para mabayaran mo ang magulang mong gumastos sa iyo ng ilang taon sa araw-araw; consuelo de bobo ika nga (tignan mo mamaya uli yung sinabi ko ha; “consuelo de bobo). Nais mong magkaroon ng maayos na trabaho kasi kailangan mo iyon kung magtatayo ka na ng sariling pamilya, at nais mo na pag nagtayo ka ng sariling pamilya, matutustusan mo sila kagaya ng pagtustos sa iyo ng magulang mo. Simple di ba? Halos pareho ng nasa itaas.

~O~O~O~

BAKIT NAIS KO MAGKAPAMILYA? Nais mo ituloy ang lahi, gaya ng naituro sayo ng magulang mo. Nais mo rin maranasan ang maging magulang para makapagbayad-utang ka sa pagtitiis sayo ng magulang mo noong ikaw naman ang pinapalaki nila: consuelo de bobo uli. Dahil nais mo lumagay sa tahimik. Nais mong may uuwian ka, may nagmamahal sayo at mamahalin mo, na magbibigay kahulugan sa buhay mo.

Hindi mo ninais magkapamilya “bago” mag-aral at magkatrabaho dahil alam mong komplikado to, pangmatanda lang. At hindi ka pa naman matanda. (Pansin mo yun, maraming nagsasabi ngayon na ayaw nila tumanda?) Siyempre, takot sila sa responsibilidad, nais muna nila maging malaya. Nais nila maging handa sa tamang panahon.

~O~O~O~

At sa huli, ipapasa mo ang mga kaalamang ito, ang mga rasong ito, ang mga pagpapahalagang ito, sa magiging anak mo. Kung itatanong niya sa iyo kung bakit ganun, sasabihin mo: ganoon talaga e. Sumunod na lang. Huwag na maraming tanong. May silbi naman lahat iyan, malalaman mo pagkatapos mo maranasan. Hindi mo na pinag-iisipan, kasi naniniwala ka naman na hindi ka lolokohin, na mabuti ang intensyon nila kaya nila pinagagawa sa iyo ang mga bagay na hindi ka talaga okey sa simula pero sinusubukan mong “matutunang mahalin.” Na hindi sila nagkakamali: di ba nga naman, kung mali itong mga ito, e bakit pa ginagawa ng lahat at ng kapwa mo?

At sa mga huling tanong na iyan, diyan na tayo nagkakatalu-talo.

~O~O~O~O~O~

Paano pala kung mali ang mga ikinuwento sa iyo ng mga kamag-anak mo, ng mga magulang mo, ng mga kaibigan mo? Paano kung yung mga pinanghahawakan mong hindi mababali e makita mo pala biglang sira, hindi mapagkakatiwalaan? Paano kung pakiramdam mo niloko ka lang?

Maraming nang sumagot nito. Nagrebelde. Hindi na nakinig sa awtoridad. Itinapon ang buhay. O, sa mas “malalang paraan”, gaya ng sabi ng mga magulang at nakakatanda mo, at isa sa mga simpleng dahilan kung bakit ayaw ng mga kamag-anak mo o ng mga nakakatanda sa iyo na pumasok sa isang pampublikong paaralan o unibersidad: MAGING AKTIBISTA.

~O~O~O~

Bakit tayo takot na maging aktibista? Ano ba ang depinisyong itinuro nila satin ng aktibista? Mareklamo. Hindi sumusunod sa utos. Hindi nakikinig sa matinong usapan. Nanununog. Sasali sa NPA. Magiging kriminal. Mamamatay. Aaksayahin ang buhay sa pagrereklamong walang katuturan.

Sino nagsabi? Ang mga magulang mo na pinagkatiwalaan mong hindi nagsisinungaling sayo. Ang mga kaibigan mong tinuruan din ng mabubuting magulang. Ang administrasyon na pinagkatiwalaan mong hindi ka ginogoyo. Ang mga nakatataas sayong sinasabihan kang sundin lang ang dati mo nang ginagawa para gumanda at guminhawa ang buhay. Yung mga dati nang parte ng buhay mo. At siyempre, hindi mo iisiping nagkakamali sila. Hindi mo iisiping hindi nila pinag-isipan yun.

Pero sa totoo lang, sabihin man nilang pinag-isipan nila yun, kung wala silang pinag-isipang ihahambing doon, hindi talaga nila pinag-isipan yun. Kung sumunod-sunod na lang, hindi nila pinag-isipan yun. Hindi sa minamata ko sila, pero kailangan nila aminin yun: hindi nila pwede angkinin ang di nila alam. Kaya nga consuelo de bobo di ba: consuelo – pampanatag, panigurado. Bobo – hindi alam. Panigurado ng hindi alam. Kasi hindi mo nga pinag-isipan. At natatakot ka na pag pinag-isipan mo na, hindi ka na matatahimik sa buhay mo.

~O~O~O~

PERO BAKIT NGA BA MAY NAGIGING AKTIBISTA? May pinaglalaban, ito sasabihin nila. Madali sa kanilang bigkasin ang mga teoryang panlipunan, ang paniniwala sa di-pagkakapantay-pantay, ang eksploytasyon ng mga manggagawa’t mahihirap ng sistemang piyudal-kapitalista-burukr
ata-pasista (at iba pang label). Ang manawagan para sa pagbabago ng mga istrukturang panlipunan. Ang manawagan para sa isang himagsikan, isang digmang bayan. Basahin mo lang ang Philippine Society and Revolution (PSR/LRP o Lipunan at Rebolusyong Pilipino) ni Amado Guerrero (huwag na itangging si Jose Ma. Sison ito). Dahil ang rebolusyon ang tungo ng daigdig ngayon. Dahil ang tunay na lipunang para sa Pilipinas ay isang komunistang lipunan na pinagtatanggol ng Bagong Hukbong Bayan, na pinagtitipon ng Prente ng Pambansang Demokrasya, at pinangangasiwaan ng Partido Komunista ng Pilipinas. Daling i-label di ba? (Siyempre, hindi ko naman pangangasahan, mga kaibigang Kaliwa, mapa-RA o RJ, na ito lang yun; kinakalaban ko nga ang pagge-generalize.)

Pero hindi pa rin nasasagot ang tanong di ba: BAKIT? Kasi may kawalang-katarungan. Kasi iyong iniisip mo dati para sa sarili mo, naisip mo: bakit ako lang ang dapat makinabang sa mga biyaya ng mabuti’t maayos na buhay? Bakit parang hindi ko inisip kahit kailan na may kapwa ako na dapat ko paglingkuran. Bakit kailangan ko mabuhay at magkamal kung pwede namang simple lang ang buhay? Bakit kailangan ko sundin ang dikta ng merkado na bilhin ang ganito at ganyang bagay na hindi ko naman talaga kailangan? Bakit ko pagsusumakitan ang mangalap ng labis-labis sa kailangan ko e hindi ko na nga maisaayos at ma-enjoy ang mga bagay na mayroon na ako dati? Bakit ko aagawan ang iba na hindi na nga makakain ng perang gagamitin ko lang naman dahil natripan ko lang bumili ng isang kape sa Starbucks na umaabot ng P200+ pesos? Tangina mehn, kape, 200? E isang linggong hapunan na yun ng iba! Hindi ka ba nahihiya sa balat mo?

~O~O~O~

Madali rin naman sagutin itong rason na to e: hindi ko kasalanan iyon. Pinaghirapan ko to. Binigay to sakin ng magulang ko, ang pinaghirapan nila para sakin: bakit ko aaksayahin sa di ko kilala? Tamad sila kaya sila ganyan. Magsumikap sila! Hindi sila sumunod sa magulang nila e, hindi sila sumunod sa sistema e; dapat lang sa kanila yan!

Pero ang problema, hindi na sila ang may kasalanan, ang sistema mismo. Kung ang sistemang ito ay magpapayaman lamang sa dati nang meron at iiwan sa kangkungan ang milyun-milyong nahihirapan, palagay mo ba patas yun? Di rin ba sila taong kagaya mo? Wala rin ba sila karapatan sa mga bagay na tinatamasa mo na dati pa, sila na hindi nakaranas nito kahit minsan?

~O~O~O~

Iisipin ko nakunsiyensiya ka na sa sinabi ko: kung hindi pa, patapusin mo muna ako tapos saka ka magsulat sa comments section. Pero iisipin mo rin: oo, tama, hindi makatarungan, kailangan baguhin. Pero may mga pinoprotektahan din ako e. Gusto kong maayos ang pamilya ko. Wala akong panahon baguhin ang lipunan dahil may tiyan akong pakakainin. At siyempre, yun namang mga aktibistang kilala na natin, tutuyain ka. Isa kang walang-kwentang petiburgis. Isa kang makasarili. Isinusumpa ka ng bayang nag-aruga sayo, at humanda ka sa paghihiganti ng prente. Kumbaga, dahil hindi ka lang umayon, kalaban ka na nila. (Mga kaibigang Kaliwa na makakabasa nito, huwag niyo itangging hindi niyo inisip to. Baka nag-iba ang panahon: sabihan niyo ako).

Pero nanatili doon ang tensyon ng mamamayan sa politika’t lipunan. Susunod na lang tayo sa takbo ng kasalukuyang sistema dahil komportable, dahil ligtas, dahil kahit papaano may kinikita. Ang sumasalunga, itinatakwil ng lipunan. Hinahabol na parang hayop. Pinapatay ng Estado. Ang aktibista naman, ipangangalandakan sa mundo na siya lang ang nakakaintindi sa lipunan. Na dapat mo siya pakinggan at kapag hindi ka nakinig, pasensyahan na lang, wala na kayo ugnayan. Dahil nakamarkado ka na sa takbo ng isip niya. Tinutuya ka dahil hindi mo kaya magsakripisyo nang higit para sa bayang tinatawag ang tulong mo. Walang pinagkaiba sa sinabi ni John F. Kennedy: “Huwag mo tanungin kung ano ang magagawa ng bayan mo para sa iyo, kundi ano ang magagawa mo para sa bayan.”

Pero hindi ba yun nga ang punto kung bakit may naghimagsik sa simula pa lang: kais nga gutom ang marami? Kung yung gutom na yun e masasabit sa laban sa pagpapalaya, hindi kaya nagkakamali? Kung yung nais bigyan ng kalayaan mula sa mga tali ng buhay niya e hindi makumbinsing nakatali siya kaya siya hindi malaya, hindi kaya may problema din ang nagsasalita? Hindi rin kaya sa sobra namang pagpapahalaga sa pagkilos para sa pagkilos, hindi na swak sa orihinal na layuning magpalaya?

Siyempre, sa mga nanghinawa na sa walang-isip na pagkilos na kinahinatnan ng mga kilusang ito, sinabi na natin: mag-isip muna tayo ng tamang gawin. Huwag muna tayo kumilos. Pabayaan muna natin na ganyan tapos saka tayo lumusong kapag alam na talaga natin ang gagawin. Pero ang tanong: sigurado ka ba talaga na alam mo kung kailan ang tamang araw na darating? Katapusan na ng buhay mo hindi ka pa kumikilos, kahit yung paun ti-unting tinatawag mong “neo-liberal,” “dole-out,” at kung ano pang ek-ek?

~O~O~O~

Nananatili yung tanong. Nananatili ang takbo ng buhay mo. Nananatili ka sa isang kalagayang ang ipinagmamalaking halaga ng lipunang ginagalawan mo ay kung sino ang makakakuha ng pinakamarami. Kung sino ang makakapagkamit ng magandang buhay. Itinuturing niyang tanga at masyadong mabait ang mag-iisip ng kapakanan ng kapwa, kahit ipinagmamalaki niya na sumasampalataya siya sa isang relihiyon na ang tinuturo ay ibigin ang kapwa na gaya ng sa kanyang sarili.

Babangon ka sa umaga, mag-aayos ng gamit, tutungo sa kung ano man ang gawaing ipinagpapalagay mong siyang tunay na dapat takbuhin ng buhay mo.

Kung nananatili kang nasa “safe-side,” nabubuhay ka para sa iyong sarili, at kahit pumupunta ka sa simbahan at kinakanta mo na “walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang,” sinong niloko mo?

Kung nananatili kang kumikilos para sa pagbabago ng lipunan nguni’t nananatili ka sa iisang pananaw at perspektiba, na wala kang paggalang sa pananaw ng iba at ipagpapalagay mong lagi kang mas may alam ka sa kanila, sinong makukumbinsi mo?

Anuman ang ginagawa mo iniisip mo nakakatulong ka sa pagtakbo ng makina ng lipunang ito. O kaya nakakatulong ka sa paglikha ng bagong makina ng lipunang ito. Pero ang tanong: kelangan ba talaga natin ng makinang nagpapatakbo sa lahat na lang ng aspeto ng buhay natin? Kailan ka titigil saglit at iisipin mo naman: hindi lang ako ang narito. Hindi lang ang mga nakikita ko ang kasama ko sa mundo. May kasama ako. At hindi lang yung iniisip ko o itinuturing kong kasama ko ang tunay na kasama ko.

Kailan mo iisiping magpahinga kahit minsan? Yung pahingang nagbibigay ng linaw sa lahat ng ginawa mo dati, ginagawa mo ngayon, at posibleng makatulong sayo sa paggawa mo bukas? Yung masasabi mong “kahit hindi sigurado, alam ko may katuwiran ang ginagawa ko. Lundagin mo beybeh!”

Saturday, July 17, 2010

Punong-Puno na Sa Pamumuno?

Isang pananaw sa mga unang araw ng pagtakbo at retorika ng pamahalaan ni Pangulong Benigno Aquino III

Sa katotohanan, kinatatakutan ng burgesya ang kamangmangan ng masa kapag sila’y nananahimik, at ang kanilang pananaw kung sila’y naghihimagsik.
- Karl Marx, Ika-18 Brumaire ni Luis Bonaparte

Nakakadalawang linggo na mula nang ating tanghalin si Benigno Simeon “Noynoy” Cojuangco Aquino III bilang ikalabinlimang Pangulo ng Republika ng Pilipinas. Bilang isang mamamayang nahubog ang pananaw-politikal sa maliligalig na panahon ng pamamahala nina Joseph Ejercito “Erap” Estrada at ni Gloria Macapagal-Arroyo, nauunawaan ko ang malawakang pananabik at matatayog na pangarap ng ating mga kababayan sa kanyang maaaring maibigay para sa pagpapayabong ng pamumuhay ng mamamayang Pilipino. Napakadaling makisali sa mga mapagdiwang na pahayag na ibinabandila ng mass media at ng mga kasapi sa mga kilusang repormista ng panggitnang-uri na siyang nanguna upang ipahayag ang mensahe ng pagbabago sa pagtungo sa “daang matuwid,” isang daan kung saan ang katiwalian ay walang puwang upang sirain ang tiwala’t ugnayan ng pamahalaan at sambayanan. Kung saan ang pamahalaan ay maituturing na lingkod ng sambayanan at ang mamamayan ay siyang magiging kaakibat upang makamit ang mga layuning pangkalahatan ng ating bansa’t bayan. Isang “bagong simula,” ika nga nila.


Takot Na Kami Masaktan

Sa kabila nito, marami rin sa mga nagmamasid ang nag-aagam-agam: masyadong masaya’t nananabik tayo na tila baga ang pagpanaog ni Aquino sa Malacañang ang siyang susi sa malawaka’t malakihang pagbabanyuhay ng politika’t ekonomiya ng Pilipinas sa ngayon. Na para bagang siya, sa kanyang pagkatao bilang tagapagmana ng mito ng tanod ng demokrasya mula sa kanyang mga magulang na sina dating Pangulong Corazon at Senador Benigno “Ninoy” Jr., ay nakatali at nakatadhanang “iligtas” ang Inang Pilipinas mula sa mga kuhilang Kinatawan sa kamara na walang ginawa kundi ang magpataba at ibulsa ang kuwartang ibinubuwis ng mamamayan pagkatapos ng suson-susong paghihirap. Na tila baga ang kanyang kamuntiang pagkakamali ay ating ipag-aalsa’t siyang wawasak nang lubusan sa pag-asa ng mamamayan sa mga demokratikong institusyon. Na para bagang masyado yata tayong ambisyoso, baka pag pumalpak, e malilintikan rin lang pala tayong lahat.

Kauna-unawa ang mga agam-agam na ito, sapagka’t naipit at nabaon sa isang mapagsisi’t walang-tiwala sa sariling kalagayan (self-hating and reproachful state) ang ating mga mamamayan sa ilalim ng siyam na taon ni Gloria Arroyo, na tandisang sumira sa mga institusyong panlipunan at nagwalang-bahala sa interes ng mamamayan sa kabila ng kanyang pagkakalagay sa puwesto noong 2001 sa pamamagitan ng ikalawang himagsikang-bayan (“people power”) sa EDSA. May takot sa atin na magtiwala ulit sa institusyon sa agam-agam na tayo na naman ang maituturong maysala kung magkaloko-loko na naman ang mga bagay-bagay. Nguni’t hindi ito makatarungan para sa ating mga sarili, kung nais natin talagang panatilihing demokratiko, maka-Diyos, makatao at makabayan ang ating lipunan. Tungkulin natin na manatiling mulat, may paninindigan at manatiling nakamatyag upang tiyakin na ang ating mga narinig na gagawin ay tunay na maisagawa ng kasalukuyang administrasyon. Na sana nga ang telos (patutunguhan) ay nakikita sa lakad ng bayan ngayon. Minsan ngang ibinahagi ng kapwa natin mga Atenista, ang SpongeCola: “dehado kung dehado, para saan pa ang mga galos mo kung titiklop ka lang?”


Samantalahin, Huwag Pagsamantalahan

Marami sa ating nagitla at lumundag sa tuwa nang marinig natin si Pangulong Aquino na ipahayag sa Quirino Grandstand noong ika-30 ng Hunyo na “kayo ang boss ko.” Ngayon lamang tayo, kung tutuusin, nakarinig ng isang pinuno ng bansa na kinilala ang kanyang utang na loob hindi sa mga kauri niyang nakaririwasa na nangampanya at gumastos para sa kanyang kampanya, hindi sa mga may-kapangyarihan sa lokal na nibel, at hindi sa mga institusyonal na padron kundi sa mamamayang humalal sa kanya sa unang automated na halalan sa kasaysayan ng bansa. Totoo, hindi madaling paniwalaang naging malinis ang halalan, hindi madaling paniwalaang hindi nakibahagi si Aquino sa mga tradisyunal na paraan ng pagkalap ng boto (na kung pagbabasehan ang mga nakatakdang batas ngayon ay itinuturing nang krimeng ikabibilanggo), kalokohang sabihing walang bahid-dungis ang halalang ito na hindi binago ang mga dinamiko, nguni’t hindi makatarungang sabihing nanalo lamang si Aquino dahil ibinoto siya ng ignoranteng masa na namanipula ng mga institusyon ng burgesya at ng kleriko-pasistang Simbahan (na natitiyak kong narinig niyo na sa mga tagasuporta nina Manny Villar, Richard Gordon at Gilbert Teodoro: huwag niyo sila pakinggan, pikon lang ang mga yan).

Dala nito, may mga taong nangahas nang magtakda ng kanilang mga nais at banta sa kasalukuyang administrasyon kung hindi ito magagawa. Pinalaki na natin ang minsanang pagtuya ni Aquino sa “wang-wang” upang siya mismo’y pagbawalan nating mag “wang wang” kahit mahuhuli na siya sa mga pulong dala ng trapik. Isang batikang brodkaster nga ang nangahas magsabing “dapat hindi na rin lumalabas si Noynoy kapag Lunes dahil coding ang plaka niya.”

Hindi lisensya ang pagkilala ng ating Pangulo sa ating halaga upang putaktihin siya na sundin ang ating balang naisin bilang mga kabahagi ng taumbayang “hindi nag-iisip at sumusunod lamang sa galaw ng tiyan.” Nararapat nating tandaan na sa ating paghalal kay Aquino, ating pinili siyang upang gabayan ang kilos ng mga aparato ng estado at lipunan at hindi karapat-dapat na baliin natin ang kaniyang plataporma de gobierno dala ng ating posibleng makitid na isipang iniisip lamang ang kakanin bukas. Bilang kabahagi ng isang pamayanan, tungkulin natin bilang Pilipino (at bilang taong may kinikilalang mabuti) na mabuhay nang may pagpapahalaga sa kapwa. Kailangan nating kilalanin na ang pakikibahaging politikal ay hindi isang paraan upang magkamal para sa sarili, kundi upang tiyakin na nanatili ang ugnayan natin sa ating kapwa sa mahinusay at mapagyabong na paraan.

Ano ang pinagkaiba natin sa mga trapo at mangungurakot sa mga sangay ng pamahalaan na binabaliti ang kanilang kapwa para sa kanilang sarili kung ating gagawin ito? Ano naman ang pinagkaiba ng isang Pangulong iisipin maski ang pinakamaliit na kibot ng kanyang leeg at kung paano ito makakasama sa sensibilidad ng tao sa isang aliping saguiguilid? Hindi ito makatuwirang kilos, at pinapatunayan lamang natin na tayo’y mga utak-alipin pa rin, sapagka’t “sumusukob sa mang-aalipin ang nangingibig na hindi lumaya.”


Higit Sa Lahat, Magpanagot

Sa pagsasabi kong hindi natin dapat samantalahin ang pagkilala ni Pangulong Aquino sa ating tinig, hindi natin isinasama dito ang katotohanang pangunahing karapatan nating humingi ng katarungan sa mga pampublikong institusyon. Hindi dapat kaligtaang si Pangulong Aquino mismo ay hindi pa rin sinasagot nang mahinusay ang mga patayan sa Hacienda Luisita na pagmamay-ari ng kanyang angkan. Hindi natin dapat kalimutan ang katotohanang nangangahas nang maghain ng kaduda-dudang mga pagbabago sa Saligang-Batas si dating Pangulong Arroyo na ngayo’y kinatawan ng ikalawang distrito ng Pampanga. Hindi natin dapat kalimutan ang daan-daang mamamahayag, aktibista at mga inosenteng mamamayan na pinaslang ng mga galamay ng rehimen ni Arroyo at hindi pa rin napaparusahan magpasahanggang ngayon. Hindi natin dapat kalimutan na ang ating mga kinatawan sa Mababang Kapulungan ay ang mga dating pangalan pa rin na sumuporta sa mga interes ng tiwaling pamahalaan at pumatay sa mga batas na sana’y nakapagbigay-kapangyarihan sa mamamayan para sa demokratikong pagkilos.

Dito natin marapat ibuhos ang ating pagkilos bilang mga mamamayang nagnanais ng pagbabago. Marapat nating bantayan at palaging paalalahanan ang ating Pangulo’t ang burukrasyang sumusuporta sa kanya na tungkulin nilang linisin at panariwain ang tiwalang ginutay-gutay ng mga rehimen nina Estrada at Arroyo. Karapat-dapat lamang nating panoorin ang mga nagaganap sa ating pampublikong lunan at pagdudahan din ang mga samu’t saring opinyon na dati’y tinatanggap na lang nating basta-basta.

Ibinahagi ng Hudyong manunulat na si Hannah Arendt na “ang pagpapatawad lamang ang tanging kilos na hindi lamang tugon kundi isang bagong kilos na di-inaasahan, di-tinakda ng kilos na nagbunga noon, at pinalalaya sa mga kahihinatnan nito ang nagpatawad at pinatawad.” Nangyayari lamang ang pagpapatawad na nagbubungang mahinusay kung ang katarungan ay naigawad sa maysala, kahit sa anyo ng mabigat na parusa. Kung tunay na ibinabandila ng pamahalaang Aquino na “walang pagpapanumbalik kung walang paggawad ng katarungan,” hinihingi nito na tayo bilang mamamayan ay manindigan na ang mga maysala ay magiging karapat-dapat lamang sa awa ng taumbayan kapag sila’y nalatayan na ng hagupit. Hindi naghihilom ang isang malalim na sugat kung hindi dadaan sa masakit na proseso ng pagtatahi nito.

Friday, July 2, 2010

Tama Na Party: Maraming Tiyanak Baby

(Prologue: At sa wakas, nagtinta na ang utak ko.

Nitong mga nakakaraang buwan para bang napakahirap magsulat [o, kung magsusulat ka man, parang walang taga sa damdamin, walang pagpapahalaga talaga, walang pagtataya]. Parang napakahirap pigain at/o ilabas ang mga bagay na ang akala mo dati mo nang alam, dati mo nang naiintindihan, dati mo namang kayang sabihin nang walang alinlangan. Kung tutuusin, ang mga dating mahahabang rant at/o pagpapahayag ng ideya, damdamin, etc. ay nauwi sa bigla-biglang bugso ng damdamin sa Plurk, pagsipi sa mga binabasa kong kung sinu-sino nang patay na tao sa Facebook, at tandisang pagkabagoong ng aking isiping kritikal. Para bang naka-life support ang utak ko nitong nakaraang tatlong buwan at ang nakapagpanatili lamang sa aking paki sa mga nangyayari sa aking paligid ay ang mga nakatatanda’t mga tagapaggabay sa Kagawaran ng Agham Politikal, ang mga kapatnugutan sa Matanglawin at ang mga kakilalang paminsan-minsa’y pinararaket ako sa Paaralan ng Pamamahala.

Siguro special thanks sa aking mga itinuring nang mga political parents na sina Ma’am Joy Aceron at Sir Kiko Isaac (peminista ako, bakit?), sa revolutionary counsel nina Sir RR Rañeses, Sir Arjan Aguirre, Sir Gino Trinidad, Boss Rosselle Tugade at Master Biboy Alimangohan (mga kainuman, tagapayo, tagahubog ng pagtanaw sa politika at tsismis, steady supply ng second-hand smoke, at palaging tinatanong sakin ang normative question na “nakakain ba yan?”), sa mag-anak ni Karen Mae Cruz at Phillip Recentes (na pinaglalabasan ko ng mga singaw sa utak at hinihingan ng payo), ang Block I1 at I na nagpapakita saking may pag-asa pa rin pala ang isang nabulok na utak na gaya ng sa akin, ang Block II na lagi’t lagi akong binibigyan ng hamon na sumabay at/o umigpaw, ang Matanglawin na nagtitiwala pa rin sa aking kakayanang ayusin ang sirang cabinet (matatapos na po!), ang Ateneo College Ministry Group na may tiwala pa rin sa aking kakayanang maglingkod sa harap ng dambana, kay Padre Luis David at G. Patrick Momah para sa isang taon ng pagsigang sa aking utak kay Michel Foucault at Hannah Arendt, kay Dr. Benjamin Tolosa na hindi na kailangan ng pagpapaliwanag, sa Legal Network for Truthful Elections na alam kong binigyan ako ng marmaing bigay sa kabila ng aking mga walang-wawang pagkukulang, sa mga manong guard ng aking tinutuluyan na walang-sawang bumabati sa akin sa pag-alis at pag-uwi na para ko nang mga tatay, at sa aking suking binibilhan ng mangga. May utang pa akong dalawang kilo sa kanya.)

~O~O~O~

Alam kong maraming tuwang-tuwa sa atin nang masaksiha’t marinig natin ang isang bagong administrasyon at ang pangako ng isang bagong pagtalad tungo sa daang matuwid na ibinandila ng ating bagong Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III. Maraming kabataan siguro ang ngayon pa lang nakarinig ng isang Pangulong nagsasalita na tunay na pinalakpakan at pinagtitiwalaan ng sambayanang nakakapagsalita, na malamang ay naikukwento lamang sa inyo ng inyong mga guro sa HeKaSi tuwing pinag-uusapan si Ramon Magsaysay o maski ang kanyang inang si Corazon Cojuangco-Aquino. Sabi nga ng marami, isang bagong kabanata, isang bagong pagkakataon, isang bagong Pilipinas.

At siyempre, ang sinasabi ng pinakamarami ang siyang pinaka-hindi dapat pagtiwalaan. Oo, tunog elitista yun, pero patapusin niyo ako.

Marami sa atin ang may tendensiyang magpakasaya tuwing tayo’y makakakamit ng maliliit na tagumpay. Sa totoo nga lang, sinabi na dati pa ni Nick Joaquin na ang ating kasaysaya’y isang kasaysayan kung saan napakalaki ng papel ng mga piging. Na siyang supposedly ay pinag-uugatan ng ating fixation sa mga pista sa puntong ipag-uutang pa natin ang siyang ipampipista kahit malubog sa utang at hindi na mabayad-bayaran. Na kung tutuusin ang ating mga dinadakilang rebolusyon ng 1986 at 2001 ay sobrang parang katuwaan lang, na iilan lang ang namatay, kaya parang chipipay sa ilan ang napanalunan nating “demokrasya,” at dahil doon ay parang binabale-wala na ng kasalukuyang henerasyon (at ng ating mga kaibigang taxi driver) na mas ok pa yata ang mamuhay sa ilalim ng isang diktadurya. Siyempre, insulto naman ang sinabi kong iyon sa libu-libong pinatay ng rehimeng Marcos, pero sa totoo lang, minsan may appeal yung sinabi ng RAM na walang value ang iyong kinakamit na panlipunang pagbabago kung wala kang itinaya. Preferably, dugo. O sa panitik ni Simoun:

Ano ang kamatayan? Kawalan, o isang panaginip? Maihahambing ba ang mga katatakutan nito sa mga paghihirap ng isang isinumpang salinlahi? Kailangang wasakin ang kasamaan, patayin ang dragon at paliguin ang bagong bayan sa dugo nito upang sila’y lumakas at di-magugupo. Ano pa ba ang batas ng kalikasan, ang batas ng pag-aalit kung saan ang mahihina’y dapat malipol upang ang mga walang-silbing lipi’y di magtagal at nang di bumalik ang takbo ng mga nilikha? Tama na ang mga pambinabaeng pagdidili-dili! Sundin ang mga batas na ito, payabungin sila, at tataba ang lupa habang lalong nadidiligan ng dugo, at ang mga trono’y lalong titibay habang sila’y nakasandig sa mga krimen at bangkay! Huwag nang magduda, huwag mag-alinlangan! Ano ang sakit ng kamatayan? Isang saglit na damdamin, marahil nakakalito, marahil kasiya-siya, tulad ng paggising mula sa paghimbing. Ano ang winawasak? Kasamaan, pagdurusa – mga mahihinang damo, upang palitan sila ng magagandang tanim. Tinatawag mo ba iyang pagwasak? Dapat ito tawaging paglikha, paggawa, pagkandili, pagbuhay!

Pero ewan. Supposedly pinanghahawakan ko ang paninindigan ng sosyalistang demokrasya (hindi sosyalera¸ putek, alisin mo ang fluffy-shit na napupulot mo sa Starbucks, Rockwell o Emba). Na ang pakikibaka’t pagsusulong ng pagbabago ay sa pamamagitan ngpagsasalita, diyalogo, diskurso at pakikibahagi sa parlamentaryo ng lansangan. Na lahat ay madadaan sa salitaan at diskurso. Na ang tanging paraan ng dahas na puwede nating paghugutan ng lakas para lumaban ay ang ay dahas ng mga salita. Dahil sabi nga ni Napoleon, mas nakakatakot harapin ang isang diyaryo kesa sandaang kanyon.

Pero parang kulang e. Parang may mga tao talagang hindi dapat patawarin. Kumbaga sabi nga na “may mga hindi mapapatawad ang Espiritu Santo,” mayroon ding mga bagay na hindi tayo dapat patawarin kung tunay tayong Kristiyano at naniniwala sa katarungan.

Kagaya ni Gloria Macapagal Arroyo. Kagaya ng lahat ng mga kupal na trapong tinutularan ngayon ni Manny Pacquiao (siyempre, pwedeng-pwede natin idaan sa dirkurso ang pangangailangan sa mga trapo o etikong trapo sa pagpapanatili ng demokratikong espasyo). Ewan. Para bang may pakiramdam ka na sa mga ganitong panahon “hindi na sapat ang mga reporma at mga paki.” Kumbaga, sa etika ng MAGIS na sa malaking hamon ay higit na malaking tugon, ang isang malaki’t tandisang pambabalahura ay dapat gantihin ng higit pang pambabalahura sa mga maysalang kalaban ng bayan.

Kasi, isipin mo naman, ang sarap pakinggan nitong mga salitang to nung Miyerkules di ba?

Kayo ba ay minsan ring nalimutan ng pamahalaang inyong iniluklok sa puwesto? Ako rin. Kayo ba ay nagtiis na sa trapiko para lamang masingitan ng isang naghahari-hariang de-wangwang sa kalsada? Ako rin. Kayo ba ay sawang-sawa na sa pamahalaang sa halip na magsilbi sa taumbayan ay kailangan pa nila itong pagpasensiyahan at tiisin? Ako rin.



Kami ay narito para magsilbi at hindi para maghari. Ang mandato ninyo sa amin ay pagbabago – isang malinaw na utos para ayusin ang gobyerno at lipunan mula sa pamahalaang iilan lamang ang nakikinabang tungo sa isang pamahalaang kabutihan ng mamamayan ang pinangangalagaan.

Ang mandatong ito ay isa kung saan kayo at ang inyong pangulo ay nagkasundo para sa pagbabago – isang paninindigan na ipinangako ko noong kampanya at tinanggap ninyo noong araw ng halalan.

Sigaw natin noong kampanya: “Kung walang corrupt, walang mahirap.” Hindi lamang ito pang slogan o pang poster – ito ang mga prinsipyong tinatayuan at nagsisilbing batayan ng ating administrasyon.



Binuhay natin ang diwa ng people power noong kampanya. Ipagpatuloy natin ito tungo sa tuwid at tapat na pamamahala. Ang naniniwala sa people power ay nakatuon sa kapwa at hindi sa sarili.

Sa mga nang-api sa akin, kaya ko kayong patawarin, at pinapatawad ko na kayo. Sa mga nang-api sa sambayanan, wala akong karapatan na limutin ang inyong mga kasalanan.

To those who are talking about reconciliation, if they mean that they would like us to simply forget about the wrongs that they have committed in the past, we have this to say: there can be no reconciliation without justice. Sa paglimot ng pagkakasala, sinisigurado mong mauulit muli ang mga pagkakasalang ito.

Mga ilang ulit na rin naibahagi ni Prof. Ambeth Ocampo: “History does not repeat itself: we repeat history.” (Hindi inuulit ng kasaysayan ang kanyang sarili; tayo ang umuulit sa kasaysayan.) Medyo hindi ko magawang maging kampante na magagawa natin ang mga pagbabagong ito habang nakaamba ang punyetang balitang ito:

The former President and her son, Camarines Sur Rep. Diosdado Arroyo, filed House Resolution No. 8 calling for a constitutional convention (Concon) to propose amendments to the 1987 Constitution.



“We are aware that her heart has always been to amend the Constitution. That is not a surprise, that is something we will deal with together with our partners in the House,” presidential spokesperson Edwin Lacierda told reporters. “It is something that we are not bothered with, it is something we expected from the start.”

Lacierda said that Cha-cha was a “matter of numbers in Congress” and that if the Aquino administration succeeded in convincing members of the House that amending the Constitution would be untimely, “then that will be dead in the water.”

“Gloria is trying to test the waters,” said Ramon Casiple, executive director of the Institute for Political and Electoral Reforms. “It’s one way of polling members of the House and find out whether she still has the numbers.”

“Her proposal to change the Constitution could be a rallying point for congressmen who will not get positions under the Liberal Party-led House leadership,” Casiple said.

Other analysts said that while the Arroyo resolution posed no direct threat to the presidency of Benigno Aquino III, an early debate on Cha-cha could tie down Aquino’s legislative agenda at a time when he needs his reform program to take off.



House Resolution No. 8 states that the various proposals put forward to change the Constitution are vital to addressing the people’s needs and to making the country globally competitive.
It says the changes are best achieved through the least controversial method—the constitutional convention. The other prescribed modes for revising the Charter are through a constituent assembly and through a people’s initiative.

“Calling for a constitutional convention to propose amendments or revisions of the Constitution is the least divisive and the most transparent, exhaustive and democratic means of implementing constitutional reforms,” the resolution states.

“The ... Constitution contains certain provisions which have outlived their purpose and need to be revisited to institute much-needed socioeconomic and political reforms,” it adds.

Electing delegates to the Concon would also allay concerns that sitting officials would just want to take advantage of the constitutional changes.

“To dispel fears of promoting any vested interests among the incumbent elected officials, the election of delegates to the constitutional convention is necessary and desirable,” the resolution says.



Bayan Muna party-list Rep. Teodoro Casiño said that Arroyo’s move was cause for alarm, adding the threat of her eventually becoming a prime minister remained because lawmakers might just back her resolution to gain more power for themselves.

“That’s precisely one of the reasons she ran for Congress. The cat is out of the bag,” Casiño said.

“Remember, most congressmen want Cha-cha in order to abolish the Senate and make Congress more powerful.”

Another Liberal Party stalwart, Mandaluyong Rep. Neptali Gonzales, is proposing that the question of whether there should be a constitutional convention in the first place should be thrown to the people in a referendum.

“Let’s relieve Congress of this issue,” Gonzales said. “If the people say they don’t want (a constitutional convention), let’s stop it. If they say yes, we push for it with a new measure.”

Sige, given, kinatawan na lamang ng Pampanga si Arroyo. Malaki ang dipirensya ng kapangyarihan niya noon bilang Pangulo at ngayong nasa Kongreso lamang siya. Pero kailangan pa ba nating harapin ito? Gusto ba talaga natin ang ganitong proposisyon? Tinanong ba talaga ang Pampanga ukol dito? Siyempre, gaya ng Ilocos na “hindi bibitiw ang loyalty” kay Apo, ganoon nga siguro ang takbo ng sikmura ng mga tao doon ngayon. Kahit ba sabihin ni Frederic Schaffer na ang paglalatag ng repormismo at “clean and honest election” ay kadalasan nakakainsulto sa sensibilidad ng mga mahihirap (na naniniwala sa politika ng pakikipag-ugnayan at palitan ng mga kagamitan sa pagkakaibigan, na swak naman sa sinabi ni Aristoteles), ito ba talaga ang gusto ng mamamayan? Gusto ba talaga nila ang baguhin ang porma ng konstitusyon na inilalatag ng isang partidong matagal na nilang gustong paalisin sa poder? Paano natin matutulungan ang ating Pangulong makapagsimula tayong lahat sa landas na matuwid kung ang mga “kinatawan” natin ay ang mga datihang ungas pa rin?

Minsan, marami talagang interesanteng bagay sa proposisyon ng “good governance,” pero hangga’t hindi nito nagagawang mailatag ang mga talagang nais at kailangan ng mamamayan, anti-demokratiko pa ring paraan ng pagpapatakbo ito. At dapat lang sigurong isuka na natin ang pagkukumpara natin sa Singapore sa ating mga sarili: lungsod lang yan! Mas malaki pa nga ang Makati diyan e (isa pa siguro sa mga dahilan kung bakit nga nanalo si Binay).

Hindi madali ang baguhin ang isang lipunan: sure, Rome wasn’t built in a day. Pero parang hindi rin yata ayos na lumaban tayo na ang dala lang natin ay salita at mga reporma. May natitira pa rin sa aking damdamin na ang isang sambayanang handang manglipol at magbubo ng dugo ng mang-aapi (maski kababayan pa niya ito) lamang ang may kakayanang magtagal bilang demokrasya. Yung sinabi ni Padre Florentino sa panulat ni Rizal: “kapag ang sambayanan ay di handa, kapag lumaban ito sa pamamagitan ng panlilinlang at dahas, nang walang malinaw na pag-unawa sa kanyang ginagawa, mabibigo ang mga pinakamatatalinong panukala. At mabuti na ngang mabigo, dahil bakit mo ipapakasal ang babae sa lalake kung hindi niya ito lubusang mahal, kung hindi siya handang mamatay para sa kanya?”

Pero baka mainit lang ang ulo ko. Takot ako dahil mayroon ngayong posibleng makapagpadala ng pagbabago na haharangan na naman ng mga anti-politikal na elemento. Takot ako dahil pagod na pagod na ang mamamayan at ayoko nang mabigo sila sa kanilang mga pangarap. Dahil sa mga ganitong pagkakataon, kapag nabigo pa ang anumang layon sa reporma, dalawa ang puwede nating hantungan: ang mapilitang lisanin ang bansang ito at ang identidad na Pilipino, o ang tumungo sa larangan na may dalang tabak, rebolber, sumpak, tirador, boga, pillbox at molotob.

Molotob. Kaunting kibot lang ng kabiguan, baka magtapon na ako nito. At ang mga taong pagod na na pipiliin ang mamatay na lumalaban.

~O~O~O~

(Postscript: Ewan ko lang: antagal ko rin hindi nakapagsulat dahil hindi ko alam kung ano talaga ang dapat sabihin. Actually humaba lang ito dahil sa mga news clippings, pero nakita niyo naman na sa puntong ito ng buhay ko hindi ko talaga alam kung papaano haharapin ang mga posibleng panganib na haharapin nating mga lumalaban para sa tunay na pagpapatatag ng demokrasya. Baka senior syndrome lang din ito.)

Tuesday, March 9, 2010

"Beyond the Spectacle?": Debunking Popular Notions About Elections

(Foreword: this is probably the most rambling thinkpiece about electoral practice I have written. Apologies for crude rhetoric.)

With the campaign period for the 2010 Philippine elections kicking into high gear, one might be prone to the pessimistic notions which Jessica Zafra has outlined so succinctly in her Pinoy Elections: A Guide for the Dismayado. To paraphrase: "we are governed by actors and entertained by politicians." In a sense, I doubt much of our desensitised populaiton would be dissuaded of their notion that politics and artists are of different breeds: one only needs to visit any forum that would host opinions on the upcoming polls to see gems of cynicism such as the following:

Interchangebable nga lang sila; Politics at Showbiz.

Diba may MMFF parade ang mga stars, may Campaign sorties din naman ang mga Politiko. Pareho lang.

Umaakting den naman silang pareho, sa parehong manonood din.

may mga tsismis silang pareho. covered by media of course.

kung may talent fee ang mga artist at bonus kung kumita ang pelikula, sa politics, may pork barrel at kickback pag may projects.

Pabong-gahan sila ng damit, kotse at bahay.

PArehong-pareho.


Coming from the tradition of Political Science, such a sweeping statement (written in horrible grammar, no less), despite being something I believed in my childhood, nonetheless makes my blood boil. For one who is striving to understand the discipline of people's interactions with each other, together with harmonization of interests, to call politics akin to a "pabitin for the elite" is a grave insult to millenia of free thinking. Nonetheless, I cannot but admit that people cannot be blamed if they think this way simply because what we have are residual institutions devoid of their former glories.

Then again, nothing could be solved with moping and pining for "innocence lost." True, what our government and political institutions have come to are definitely not what is expected of an ideal democratic institution, but perhaps the root of problem is that we ourselves are not made to appreciate what democracy even means in the first place. It might be helpful, perhaps, if we would look at most of the time-old snippets we would here in our families and communities whenever issues of political significance arise, and then see why they are not conducive for "citizen-like" bearing:

1) "Ang iboboto ko yung nakukuha ang kiliti ko."

Most of us who speak of who our candidates will be are prone to joining the bandwagon of who is the most popular or the most "populist." This most likely explains (at face value) why Senator Benigno "Noynoy" Aquino III and Sen. Manuel "Manny" Villar, Jr. are leading in the polls. Supposedly, those who embody the people's aspirations are the ones we should go into office. However, corollary to these beliefs is the notion that once these candidates are placed into power, we already have the freedom to bash them when we want to, simply by being suspicious of their "incumbency."

Some academics and pretenders to political analysis usually share the hypothesis that it is almost a sociological construct born out of almost 400 years of colonization, this tendency to "up one over our masters" as a coping mechanism of oppressive circumstances. Most believers of the class struggle hypothesis (somewhat erroneously lumped into the umbrella term "Marxists") would also claim that this is an expected by product of the continuous slow mobilization of the working class to overthrow "unjust elite domination." More often than not, these arguments sound rational enough to a generation who was not raised on critical thinking, but even a few doses of common sense can debunk them.

To actually believe that the price of a vote is simply one's projection to populism or "populist" interests is definitely dangerous, something almost bordering to totalitarian domination no better than Hitler's fascist rule or Stalin's reconfiguration of the Soviet Union. Political theorist Hannah Arendt, in her monumental work The Origins of Totalitarianism would condemn such:

The masses share with the mob only one characteristic,namely, that both stand outside all social ramifications and normal political representation. The masses do not inherit, as the mob does—albeit in a
perverted form—the standards and attitudes of the dominating class, but reflect and somehow pervert the standards and attitudes toward public affairs of all classes. The standards of the mass man were determined not only and not even primarily by the specific class to which he had once belonged, but rather by all-pervasive influences and convictions which were tacitly and inarticulately shared by all classes of society alike.
(Arendt 1958, 314).

What drives people to an understanding that elections is a mere giving off of interest to the one which he can identify most is a product of a rejection of individuality, the fetish for "being as same as most people" which kills off any impetus for creativity and innovation. This is most likely the reason why despite countless public presidential forums people are not convinced that their vote is worth committing to someone. The more candidates' platforms are becoming more identical to each other is a signal that the democratic system is unhealthy and mediocre. In fact this the complaint of Senator Aquino regarding the forums he attends to. To paraphrase: "Puro naman pagpapalakihan lang ang ginagawa namin dito: hindi pinag-uusapan ang mga isyu."

This is precisely the problem: issues are not being tackled, mostly because people have been taught to be desensitized by issues. What is the most important value fetishized by candidates is the simple delivery of services: food, housing and jobs (which is what almost all, but most importantly Senator Villar, puts forward as their sole agenda). This is basically national housekeeping, which should be undertaken by a bureaucracy and not be put to question. The moment we begin thinking of washing our hands from public responsibility as mentioned in the film Network ("Please, at least leave us alone in our living rooms. Let me have my toaster and my TV and my steel-belted radials and I won't say anything. Just leave us alone!"), we already know citizenship is dying. And this is likely something we can blame on the egocentric elites who find it expedient that the masses remain ignorant, but we are getting ahead of ourselves.

2) "Bakit mo iboboto iyan e hindi naman iyan mananalo?"

Perhaps we are committing and error when we follow the idea of "politics of convenience." This is the rhetoric people have about OMB Chairman Edu Manzano's affiliation with Lakas-Kampi CMD, lamenting how he would top the polls if he was a Liberal senator. This even extends to the standard-bearer Gilbert Teodoro, who supposedly is an ideal candidate if not for his affiliation with the incumbent Gloria Macapagal-Arroyo, who statistically and rhetorically is the most unpopular president than the unlamented dictator Ferdinand Marcos. (Not that we sanction the growing rhetoric that Marcos was actually a good president; that statement is outrageously stupid and is a different matter.)

If Lakas-Kampi CMD holds the ideological underpinnings and program of governance a candidate believes, then so be it: let the candidate stand for what he/she believes in. Politics is about standing up for one's principles and then moving around your limitations to push them through. If we are mad at personality-centered politics with candidates marketing only themselves and not the stands of the party, are we not making the same error of judgment by becoming personality-centered ourselves and not looking at the arguments of these parties? It is definitely true, political participation is a matter of investing oneself and convincing other people to what you believe in in the practice of elenchus, but relying on personal charisma alone is not healthy in promoting a thinking electorate.

There are values for tradition and myth-making in political participation: this is why the argument about Senator Aquino not having any original platform and simply riding on the names of his deceased forebears does not hold. As postmodernist thought will hold, why destroy the old wheel and make a new one if it is still workable? If the history of people power is still a potent weapon of democratization, why should we not hold on to it? Why believe the discredited neo-liberal dialectic of the Arroyo administration which foists the bogey of "stunted development" if another EDSA Revolution occurs? The obsession for modernization as rhetoric and sacrificing what is held dear by the people is totalitarian, if not at the very least emasculating for the demos.

3) Bakit ka pa sasali sa halalang ito, pare-pareho lang naman sila, sayang lang ang boto mo?

To immediately presume that electoral practice is a futile practice due to the inevitable fact that it will always be the "old players" who will figure in elections is, once again, a non-democratic and anti-political practice which has disastrous consequences for public participation. True, these players have interests counter to the values of the general population, but then again the value of political participation is in the strength to continuously speak out one's rights and advance one's interest in conjunction (if not effective suppression) of the aforementioned anti-people interests, achieved through the negotiation table and parameters people agree upon, if only to assert their participation in the community. To paraphrase once again Hannah Arendt in an interview with Roger Errera, departing from the relatively-modern understanding of the nation-state (which as a construct of modernity is questionable in itself), a country is united not by heritage, not by memory or shared origins, and not even by whether one is native or not: it is united by consent to the Constitution it values. In valuing this Constitution, one professes to a desire to participate in governance, in developing oneself as a person who wishes to be a figure that has contributed to the welfare of the public space while allowing for the advancement of private pursuits, but only insofar as it supports the public space.

In quoting noted Neo-Marxist academic Nicos Poulantzas, who wrote in the New Left Review Vol I No. 58, one of the contestations regarding the capitalist state is about how "the fundamental contradiction of the capitalist system, according to Marx, is not at all a contradiction between its social character and its ‘private purpose’, but a contradiction between the socialization of productive forces and their private appropriation. (Poulantzas 1969, 71). Political participation, despite its value for tradition and structures, nonetheless should be able to articulate itself in other avenues available to maximize mobilization and capturing public interest. It is, after all, not about who gets what, but who convinces everyone better in the shared language.

It would be therefore to our benefit as a population if we do understand the spectacle that unfolds before us, but nonetheless do not fully give in to our suspension of disbelief and see what occurs before our very eyes as an automatic signal to just drop our votes and leave it at that. To have a fully appreciative participation in the electoral process, one has to be willing to go out of one's comfort zone and engage every one who wishes to "serve" in the public space by asking them questions that matter, issues of justice and legitimacy, while keeping a tacit understanding that national housekeeping is important but not paramount above establishing a livable space for all.

READ.

SPEAK OUT.

GO BEYOND THE BUZZWORDS AND ADVERTISEMENTS.

Take your vote as a ticket, and leave it at that. Be exhilirated, but not intoxicated.

What matters now is HOW YOU WILL MAKE SURE THE CAPTAIN YOU CHOSE TO PILOT THE TRAIN OF STATE IS RESPONSIBLE ENOUGH TO NOT LET IT DISLODGE FROM THE TRACKS AND RUN PEOPLE INTO THE ABYSS.

Creative Commons License
"Beyond the Spectacle?": Debunking Popular Notions About Elections by Hansley A. Juliano is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 Philippines License.
Based on a work at kalisnglawin.blogspot.com.

Saturday, December 5, 2009

AHAS GALING SA BAUL... NGA BA?

(o kung papaano natin dapat tanawin ang balita ng deklarasyon ng pamahalaang Arroyo ng Batas Militar sa Maguindanao)
ni Hansley A. Juliano

Hindi nilikha ang sulating ito upang magbigay ng kasagutan, kundi upang ilatag ang mga tanong na dapat nating bantayan ang sagot.

Una, sinasabi sa ngayon ng GMA7 News na hindi raw totoo ang balitang ito batay sa pahayag ni Press Secretary Cerge Remonde, nguni't marahil dapat pa rin nating isulat para alam natin kung paano ba talaga marapat tanawin ang paggamit sa Batas Militar sa ating panahon. Iminumungkahi kong kung tinatamad kayo magbasa, laktawan ang mga block quote.

Nabalita lamang ito kamakailan, sa pamamagitan ng ABS-CBN News, na nilagdaan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo nitong gabi ng Disyembre 2 ang kautusang naglalagay sa lalawigan ng Maguindanao sa ilalim ng Batas Militar. Maaari nating sabihing ang trigger sa sitwasyong ito ay ang mga balitang sumambulat kaninang umaga, na ibinabahagi ng Philippine Star:

Amid reports that martial law will be imposed today in Maguindanao, government forces raided several homes of the Ampatuan clan, seizing weapons and ammunition that police said were enough to arm an entire battalion.

On Thursday, military and police teams raided the mansion of Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr., principal suspect in the Nov. 23 massacre in Maguindanao, seizing several high-powered guns and stockpiles of ammunition hidden in a compartment under a concrete stairway of the house.

...

The searches went on until yesterday when the raiding teams uncovered more than 260 boxes of ammunition of assorted calibers, 22 assault rifles, customized sniper rifles, handguns and various gun accessories that were buried in a vacant lot adjacent to the houses of Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Gov. Zaldy Ampatuan and his father, former Maguindanao Gov. Andal Ampatuan Sr.

Philippine National Police (PNP) chief Director General Jesus Verzosa said the number of firearms seized was enough to arm 1,000 troops, or a battalion of soldiers or policemen.

Some of the weapons and crates of ammunition uncovered bore “government arsenal” markings as well as the name of its manufacturer, Arms Corp. of the Philippines (Armscor), with the manufacture date stamped October 2008.

...

Lawmen also unearthed gun replacement parts and several military uniforms at the site about the size of a basketball court.

Verzosa said the search for more weapons is continuing.

ANG SITWASYON: nakatagpo ng lehitimong ebidensya ng mga private army ng mga Ampatuan, na siyang maysala sa naganap na mga pamamaslang sa Maguindanao noong Nobyembre 23. Diumano'y kailangan ng malakas na sangay tagapagpaganap upang madisarmahan ang lahat ng ito. Dulot nito, kailangan maglatag ng Batas Militar sa Maguindanao.

Marahil maraming mga mambabasa, sa pagkarinig sa pariralang "naglalagay... sa ilalim ng Batas Militar," ang posibleng mabigla, magalit, o MAGWALA sa potensyal na ang deklarasyong ito ay kumalat sa iba pang lalawigan, o maski sa buong bansa. Kasabay ng katotohanang tatakbo si Pangulong Arroyo sa pagka-Kinatawan ng Pampanga, marahil mayroon nang naghaharaya na patungo na ito sa posibleng PAX (o mas okey sigurong BELLA) GLORIA. O sa maikli't kolokyal na salita, "ARROYO FOREVER!"

Maski ako ay nabigla at napaisip na pwede na natin sigurong ipapatay ang Pangulong ito. Nguni't baka naman nagiging OA tayo.

Kalikutin natin ang balita mula sa ABS-CBN:

While martial law is in effect, Lt. Gen. Raymundo Ferrer, armed forces Eastern Mindanao commander, will take over from Maguindanao Gov. Andal Ampatuan Sr., one of the suspects in the massacre, as the provincial military governor.

Asked to comment on the report, Presidential Adviser on Mindanao Affairs Jesus Dureza said: "I'll get back to you if there's definite word... Usually, martial law declaration is not announced until action starts on the ground. Otherwise, the purpose and objective is lost..."

Mapupuna mo nang malabung-malabo ang sirkumstansiya o mga pumapalibot na kaganapan sa paglikha nito. Magdududa ka na sa simula pa lang. Hindi na bago ang mga proklamasyong inihayag nang palihim a sa ilalim ng gabi sa rehimeng ito; tandaan ang ilang mga executive order na bigla na lang gumulantang sa ating mga dyaryo pagdating ng umaga. Tandaan ding nagngalit tayo sa paglaban sa Con-Ass na nilakad ng mga Kinatawan nang malapit nang pumalo ang hatinggabi. Marapat ding tandaang MAY STATE OF EMERGENCY SA MAGUINDANAO, SAMAKATUWID HAWAK NA MISMO NG PANGULO ANG PAMAMAHALA DITO. May predisposisyon na tayong paghinalaan at labanan ang anumang sabihin ng pamahalaan dahil napaso na tayo, lagi tayong niloloko, SAWA NA TAYO.

PERO BAKA EMOSYONAL LANG TAYO. Emosyonal dahil nais talaga nating malaman ang buong detalye, dahil pampublikong usapin ito at hindi dapat isinasapribado ang impormasyon.

Batay sa mga probisyon ng Saligang Batas ng 1987:

Section 18. The President shall be the Commander-in-Chief of all armed forces of the Philippines and whenever it becomes necessary, he may call out such armed forces to prevent or suppress lawless violence, invasion or rebellion. In case of invasion or rebellion, when the public safety requires it, he may, for a period not exceeding sixty days, suspend the privilege of the writ of habeas corpus or place the Philippines or any part thereof under martial law. Within forty-eight hours from the proclamation of martial law or the suspension of the privilege of the writ of habeas corpus, the President shall submit a report in person or in writing to the Congress. The Congress, voting jointly, by a vote of at least a majority of all its Members in regular or special session, may revoke such proclamation or suspension, which revocation shall not be set aside by the President. Upon the initiative of the President, the Congress may, in the same manner, extend such proclamation or suspension for a period to be determined by the Congress, if the invasion or rebellion shall persist and public safety requires it.

The Congress, if not in session, shall, within twenty-four hours following such proclamation or suspension, convene in accordance with its rules without need of a call.

The Supreme Court may review, in an appropriate proceeding filed by any citizen, the sufficiency of the factual basis of the proclamation of martial law or the suspension of the privilege of the writ or the extension thereof, and must its decision thereon within thirty days from its filing.

Kung paiikliin natin ang sinasabi nito, marapat raw na sa loob 48 na oras pagkadeklara ng Batas Militar ay mapagdesisyunan na ng Kongreso kung pahihintulutan o pipigilin ang pag-iral ng Batas Militar. Kung pigili'y hindi ito puwedeng suwayin ng Pangulo, nguni't kung pahintuluta'y nasa pasya ng Kongreso kung patatagalin o paiikliin. Kung babalikan natin ang sinabi ni Tagapagsalita ng Kapulungan Prospero Nograles mula sa balita ng ABS-CBN News:

Nograles said: "Martial law can be impractical at this time as it requires the approval of Congress, which will most likely have difficulty mustering a quorum due to the holidays and the election season. Even if we have a quorum, I don't think our senators and congressmen will favor this because it will certainly cause public uproar which can endanger their reelection bid."

"A limited state of emergency in Maguindanao and nearby provinces is sufficient to address the problem related to the Maguindanao massacre," he added.

Lumalabas, masyadong problematiko kung pagpapasyahan ng Kongreso ito diumano sa panahon ng halalan. Nguni't hindi marahil malayong isipin na nagpapalusot lamang ang mga Kongresistang ito dahil ayaw na nila maabala, at papabayaan na lamang na naman nila ang bayang hindi nila pinaglilingkuran. Subali't tandaang tila wala ring alternatibong chain of command na maaaring sumalo sakaling hindi nga makapagpulong ang Kapulungan ng mga Kinatawan. Samakatuwid, MAY PROBLEMA RING KONSTITUSYONAL. Nguni't hintayin natin ang pasya ng mga may kaalaman sa batas konstitusyonal, katulad ni P. Joaquin Bernas, S.J.

Ang pangunahing dapat nating gawin ay hindi ang magwala sa terminong BATAS MILITAR na para bang isang multo, kundi magtanong kung HINDI BA TALAGA SUKAT PA ANG ISANG STATE OF EMERGENCY? Hindi ba maaaring maglatag at mag-organisa na lamang ng Komisyong Tagapamahala ng mga may kakayanan sa public administration na walang kiling partisano, at hindi na gumamit ng puwersa ng armas? Kung sasabihing OA ANG MAMAMAYAN MAG-REACT, HINDI BA MAS OA ANG SOLUSYONG ITO?

At magtataka ka: ang pinaglilinis ng kalat na ito ay ang mismong institusyong maysala dito: ANG SANDATAHANG LAKAS. Kung lumalabas na parehong maysala sa sabwatan ang mga Ampatuan at ang Sandatahang Lakas, bakit hindi sila parehong patawan ng naglilimita ng kapangyarihan?

Nguni't muli, ako'y nagtatanong lamang para sa isang sambayanang nilubog sa kamangmangan sa batas.

Sa isang kalagayan na naglalabo-labo ang mga probisyon ng batas sa ganitong pagkakataon, hindi madaling maglatag ng pasya. Ito lamang ang alam natin: KAILANGAN MAWASAK ANG MGA PRIVATE ARMY. KAILANGAN MAWALA ANG ISANG SISTEMANG SULTANISTIKO. Pero kahina-hinala na isang di-demokratikong solusyon ang sagot sa isang di-demokratikong problema. Ang ating dapat gawin: MAGHINTAY, MAGBANTAY, UMUNAWA.

Friday, November 27, 2009

Siklo ng Karahasan

Pagmumuni-muni sa malamig-lamig na pagngangalit ng taumbayang Pilipino sa pamamaslang sa 57 tao sa Maguindanao sa ilalim ng mga Ampatuan
ni Hansley A. Juliano

Para sa isang tunay na pangkating subaltern, na ang pagkakakilanlan ay ang kanilang ka-Ibahan, walang di-makakatawang suhetong subaltern na makikilala’t makakapagsalita para sa kanyang sarili; ang solusyon ng intelektwal ay di ang magpigil sa pagkatawan. May suliranin pagka’t ang layon ng suheto ay di matagpuan upang maganyak ang kakatawang intelektwal.

- Gayatri Chakravorty Spivak, Can the Subaltern Speak?


Hindi na ako magtataka kung marami sa nakatanggap ng mga balita ukol sa mga pamamaslang sa 57 na mga tao, kabilang ang mga 13 mamamahayag sa Maguindanao ay batiin ng tila pagkasanay o kawalang-pakialam ang balitang ito. Kung magpapahayag ng pagkagitla, pagkabagabag, o pagkagalit sa usaping ito ay puwedeng-puwede nating ikahon sa tatlong uri ng tugon:

Shit.

Oh god, so sad. There's just too many evils in the world. I cry... (LOL)

Fuck these Muslim pigs! They deserve to die! Go President Arroyo!

Itong mga kaisipang ito ang siyang nagpapanatili, nagpapatibay, at siyang nagpapalaganap sa mga ganitong pamamaslang. Itong hegemonya ng kamangmangan, kawalang-kaalaman at kawalang-pakialam, kung tutuusin, ang siyang pinakamabuti't matatag na tanggulan ng mga ganitong mapangwasak at mapanupil na sistematikong karahasan hindi lamang sa Maguindanao, kundi pati na sa buong kapuluan kung tutuusin. Napakaraming mga pagkakataon nang tayo ay nakarinig ng mga usapin ukol sa mga patayan, sa mga kawalang-katarungan, sa pagtatanggol ng kulungang estado sa kanyang mga galamay na naghahari-harian sa ating lupain, at sa mga pagnanasa nating ipatimbuwal ang mga sistema’t kulturang ito na pumapatay sa ating mga walang-malay at makatarungang mga kapatid.

Hindi ko malaman kung ano nga ba ang dapat kong sabihin bilang isang aba’t mangmang na manunulat sa harap ng mga ganitong usapin, sa totoo lamang. Napakahirap, napakasakit, at nakapanginginig ng laman ang bawa’t detalyeng aking naririnig sa bawa’t balitang aking natatanggap. Sa sobrang dami na ng aking nakita’t nabasa’t narinig, akala ko naiintindihan ko na ang mga suliranin sa isyu ng separatismo at kung bakit hindi na talaga makaahon sa isteryotipo ng kaguluhan ang Muslim Mindanao. Pero sabi nga ni Socrates: “sa mga sandaling akala mo’y alam mo na ang lahat ay doon ka walang alam, at sa sandaling aminin mong wala kang alam ay doon ka makakaunawa.” Alam na nating ang mga suliranin sa Muslim Mindanao ay historikal, institusyonalisado at kaakibat na ng kultura ng represyon sa mga Moro sa loob ng mahigit 500 taon. Nguni’t ang hindi natin alam (o marahil ayaw aminin at harapin) ay ang katotohanang ang mismong pamumuhay na ating ipinagmamalaki sa ating mga kalunsuran, sa rehiyon ng kabisera, ang Metro Manila, ang siya mismong sanhi ng mga kaguluhang ito, at kung bakit hindi magiging madali kahit pa sa loob ng sampung salinlahi ang ibigkis muli ang Mindanao sa ating pagtatayo ng isang tunay na matibay na estado.


Salamat sa Imperyong Maynila

Naniniwala akong lahat tayo ay biktima ng nakaraan. Pinatunayan na ng kasaysaysan na kasalanan ng imperyalistang Estados Unidos mula pa noong panahon ng kolonisasyon na malaking pagkakamaling ipilit ang integrasyon ng Mindanao sa binubuong bansang-estado (nation-state) sa pamamagitan ng migrasyon na itinadhana ng Homestead Act. Naniniwala pa rin akong napakahirap sa mga taga-Mindanao ang sumunod sa mga patakarang itinatatag ng isang pamahalaang nakasentro lamang sa Maynila at sa mga iilang naghaharing-uri, lalo’t hawak sila sa leeg ng mga naghaharing-uring ito. Hindi madaling ituro na kasalanan lamang ng mga hari-hariang ito ang kasalukuyang kalagayan: napakahina rin naman kasi ng pagnanasa natin na piliing isatinig ang mga hinaing ng mga hindi makapagsalita. Walang ibang paglalabasan ng mga hinaing ang mga taga-Maguindanao. Kinakailangan, sa mga ganitong pagkakataon ang ating kahandaang sundin ang payo ni Karl Marx: “ang proletaryo ay sa gayon hindi maigigiit ang kanilang interés pang-uri sa kanilang sariling pangalan, maging sa parliyamento o isang pagpupulong. Hindi nila maisasakatawan ang kanilang mga sarili, kailangan silang katawanin.”

Napakasaklap na kahit galit ang mass media sa kawalang-katarungang ito, nakakayamot pa rin ang kanilang paimbabaw na pagtanaw sa naganap na mga patayan. Mayroong tila baga maalab na pagnanasa ang media na ipaalam sa mga manonood at patron ang katotohanan sa likod ng mga detalye, pero sa totoo lang may nararamdaman akong pagkakalas sa kanilang mga tinig, isang obhetibong etika na matagal nang iwinaksi ng mga progresibong pahayagan. Hindi ko alam kung sadya lamang nanlulumo si Ted Failon noong umaga ng Nobyembre 25 sa kanyang palabas sa DZMM, pero hindi maganda ang dating sa akin ng sinabi niyang “kung magpapatayan kayong mga magkakalabang pamilya puwede ba kayo na lang? Hindi may nadadamay pang iba!” Totoo, tama naman na hindi makatarungang idamay ang ibang tao sa gulo ng may gulo, lalo na kung pinili na ng mga ito na huwag makisali sa mga ganitong gulo. Pero, tandaan natin na ang usapin ng patayan sa Maguindanao ay isang usaping pampubliko. Hindi tayo basta-basta lamang pwedeng sumaisantabi at sabihing karapatan nating hindi makialam. Hindi naman sa ating ipinapalubog ang ating sarili sa blob of the We na kinokondena ni Ayn Rand, pero ang ganitong usapin ay hindi isang bagay na dapat piliin nating huwag magakaroon ng sasabihin o pananagutan.


Hindi Na Ito Usapin ng Paradigm Shift

Kababawan at kamangmangan ang sabihing ang patayan sa Maguindanao ay bunga ng relihiyosong konserbatismo o panatisismo ng Islam sa Muslim Mindanao. Sa katotohanan, ni hindi nga Muslim ang mga kamay na nagpakilos sa mga Ampatuan at kanilang mga tao upang gawin ang hindi kayang ilarawan ng mahihina ang puso. Tandaan muli natin na nananatili ang konsepto ng strong man sa ating kamalayan dahil isa ito sa mga pinanghahawakan ng ilan sa ating mga teknokrata’t burukrata na konsepto ng Asian-style democracy mula sa dating Punong Ministro ng Singapore Lee Kuan Yew, kung saan ang awtoritaryanismo ay mahalaga. Nguni’t tandaang ang Singapore ay lubog sa paggawa ng isang haka-hakang kasaysayan kahit sa katotohanan isa lamang itong kalas na lungsod ng Malaysia, kaya’t hindi nararapat na paghulmahan ng mga pananaw-Pilipino sa pamamahala.

Nguni’t higit pa roon, nariyan din ang pagnanais ng mga naghaharing-uri na bigyan ng historikal na lehitimasyon ang kanilang kapangyarihan, kahit wala na sa pinanghahawakang ideyal ng estado. Soberanyang kapangyarihan na walang-likat at mapaghiganti ang namamayani sa ating mga lalawigang hindi makontrol nang epektibo ng pambansang kapangyarihan gamit ang Sandatahang Lakas o ng Pambansang Kapulisan. Kaya may basbas ng estado ang mga strong man na kagaya ng mga Marcos at Crisologo ng Ilocos, ang mga Remulla ng Cavite, si Hagedorn ng Palawan, ang mga Lobregat ng Zamboanga, si Rodrigo Duterte ng Davao, at una pa sa mga Ampatuan, si Ali Dimaporo ng Maguindanao. Kapag nakasalalay na sa mga mersenaryo ang pagpapanatili ng “kaayusan” sa estado, hindi ka na magtataka kung bakit supot at walang pangil ang estadong hawakan at parusahan sila sa pangambang iwan sila ng mga ito, at mapunta ang mga botong kinikikil nila sa mga mamamayan sa kanilang mga kalaban.

At sino nga ba ang mga Ampatuan upang kanilang pangahasang gawin ito? Tandaang sina Andal Ampatuan Sr., at ang kanyang mga anak na sina Zaldy at Andal Jr. (na siyang itinuturong mastermind) ay itinuring ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na kanyang pinakamatibay na kakampi sa Timog. Karugtong na nito ang mga pangalang Virgilio Garcellano at Lintang Bedol, na kung naaalala pa natin ay ang mga komisyoner ng COMELEC sa Maguindanao na naging sentro ng mga pandaraya: ang una sa halalang pampanguluhan noong 2004, at ang huli sa pinagtatalunang upuan sa Senado nina Aquilino “Koko” Pimentel III at ng naluklok na si Miguel Zubiri noong 2007. Makikita ang pagkiling ng administrasyong ito sa maraming aspeto, at ang pamamaslang na ito (na iginigiit ng mga tagapagsalita sa Malacañang na nararapat paraanin muna sa due process) ay hindi na natin inaasahang ikokondena ng Malacañang. Anupaman ang sabihin, sisikapin nilang palusutin ito.


Isipan at Pagkilos

Ayokong manisi sa mga ganitong pagkakataon ng pighati sa aking mga kababayang nananatili pa rin sa kanilang mga patetiko’t walang kuwentang buhay at pinipiling maglagalag na lamang sa Facebook, Plurk (kagaya ko, alam ko) at kung ano pang mga pansariling kapakanan nila. Gusto ko pa ring maniwalang sila ay mga biktima at preso lamang ng isang kapitalista’t disiplinaryong lipunan na walang-patumanggang nililinlang sila na ayos lamang ang manatiling walang ginagawa.

Pero nais ko lamang magtanong: kailangan pa bang maipit ka sa panahon ng kagipitan para lamang makalubog sa karanasan ng mga inaapi? Bakit nga ba napakareaksyunaryo lamang ng ating mga pagkilos sa mga komunidad at hindi progresibo, na makakalimutan din pagkatapos ng ilang linggo kagaya ng ipinagmamalaki nating pagtulong sa mga nasalanta ng mga sunud-sunod na bagyong Ondoy at Pepeng? Naniniwala akong ang pagsusumikap ng ating mga kabahagi sa pagbabanyuhay ay sapat na dapat upang gawing masikhay sa pagkilos ang sampung salinlahi. Nguni’t ang nakikita natin ngayon ay isang kabataang lubog sa mga pagnanasa at unti-unting pinipiling wasakin ang kanyang sarili, habang ang mundong kanyang ginagalawan ay patungo rin sa pagkawasak sa pamamayani ng mga halimaw at ganid sa parang.

Minsang ibinahagi sa akin ng mga kasama sa Agham Politikal: ang kawalang-kapangyarihan ang bagong kawalang-pakialam (“disempowerment is the new apathy”). Hindi ako naniniwala sa anumang estadistika, dito man o sa ibang bansa, na magsasabing ang Pilipinas ay maraming demokratikong institusyon, sapagka’t kung totoo iyon hindi masasaling kahit isang buhok ng mga napaslang sa Maguindanao. Hindi ko naman maimungkahi na magtuon tayo lahat ng ating pagkilos sa mga rally, vigil at iba pang aktibidad ng civil society dahil higit sa lahat, ang usapin natin ay hindi ang mga mamamayan kundi ang pagiging kriminal ng isang administrasyon na nagkakanlong sa mga naghaharing-uri na takasan ang kanilang historikal responsibilidad sa angaw-angaw na salinlahi ng mga inapi. Kaya kung aking tatanungin ang tanong ni Vladimir Lenin at Andres Bonifacio, “ano ang dapat gawin?” hindi rin ako makapagbigay ng pangmatagalang kalutasan.

Nguni’t naririyan ang pag-asa. May magagawa kahit papaano ang sinuman para manatili sa ating kamalayan bilang bansa ang trahedyang ito at mapigilan nating huwag nating maulit ito. Sulatan niyo ang inyong mga kinatawan sa pamahalaang lokal at kahit na sa walang-silbing Kapulungan ng mga Kinatawan upang yanigin sila, at makita nila, na hindi kulong sa mga sulok ng Metro Manila ang konsepto ng pagkamamamayang Pilipino. Magsulat kayo. Magbasa ng diyaryo o ng mga balita sa internet. Harapin na natin ang pangit na katotohanan at hayaang masunog sa ating mga isipan ang mga larawan ng mga winasak na katawan at ginahasang mga pagkatao ng 57 mga biktima. Walang pagbabanyuhay na madali, pulido at malinis; lagi itong maligalig. At sa panahon ng ligalig, isang kasalanan ang manatiling nakatanga’t walang ginagawang pinag-isipan.

Pinakamabigat ang kasalanan ng mga Ampatuan. Mabigat ang irresponsibilidad ng kasalukuyang administrasyon. Nguni’t hindi natin dapat kalimutan na tayo ay may kinalaman at kasalanan, sa ating kawalang-pagkilos sa pananatili ng mga institusyong walang katarungan.

Sunday, November 22, 2009

A CRITICAL ANNOTATION OF Resolution No. 20091103 of the Sanggunian

by Hansley A. Juliano

A brief review of the resolution, its totalitarian (therefore anti-democratic) nature and why it is not a just mode of action to express citizenship

The Sanggunian ng mga Mag-Aaral ng Pamantasang Ateneo de Manila has recently released Resolution No. 20091103 which purportedly calls “ALL ELECTED OFFICIALS OF THE SANGGUNIAN NG MGA MAG-AARAL TO INTROSPECT ON INSTITUTIONAL COMMITMENTS FOR THE 2010 NATIONAL ELECTIONS.” At face value it would appear as a manifesto to uphold democratic participation, but a closer look would show that it is a quite problematic, even immature, statement of the Atenean’s perception regarding political participation. We quote in length from the manifesto:

3. WHEREAS, the Sanggunian as an institution, in recognizing the rightful and vital role of the Filipino youth in national efforts to advance and preserve freedom, democracy, human rights, national dignity and interest, social justice, unity, peace, and development in Philippine society, has the responsibility to raise the Ateneo student body’s critical awareness of and proactive response to issues and their root causes affecting the life of the nation and the Filipino people,

4. WHEREAS, the Sanggunian, as an institution, has the purpose of helping foster the social, political, cultural, and spiritual life of students; develop a University spirit and work for effective student participation in its activities; and to serve as the official coordinating channel of the students to democratic institutions,

5. WHEREAS, the Sanggunian, as an institution, took on the role of being at the forefront of Ateneo Task Force 2010 (ATF 2010) and upholds as one of its foremost ideals integrity, must remain committed to such,

6. WHEREAS, the Sanggunian, as part of its commitment to ATF 2010, continues to participate in the successive segments of Voters’ Registration, Voters’ Education, Voters’ Mobilization and Accountability Efforts and Engaged Citizenship.

The train of the Resolution already shows a decidedly suffrage-centric train. It appears as if the Ateneans’ collective understanding of social participation is already in its pinnacle manifestation with a focus for electoral participation. Yet the informal and the minute historical, cultural and ethical perspectives of most Ateneans, one that is not written down but seen in the text of their bodies, minds and values, shows a persistent fetish for private satisfaction, shying away from public participation. It is situated as such that any movement for social involvement, even including the programs of the Office for Social Concern and Involvement, only appears as mere apologetic moves, palliatives harking back the image of Pontius Pilates.

7. WHEREAS, the Sanggunian, as an institution, believes that to build the Filipino nation concretely includes engaging its democratic institutions by practicing the right to suffrage,

8. WHEREAS, the Sanggunian, as an institution, believes that commitments of the institution must be upheld by all units of this one body,

9. WHEREFORE, BE IT RESOLVED, the Sanggunian as an institution appeals to all its duly elected officials to reflect upon their commitment to the founding principles of the student council,

10. WHEREFORE, BE IT FURTHER RESOLVED, the Sanggunian as an institution appeals to all its duly elected officials to recognize the greater cause enshrined in its constitution and to protect its integrity and commitment it adheres to,

These statements are pregnant with the exclusivist nature the Sanggu has been accused of possessing for a long time and what its past administration under Mr. Omar Castañar (AB DS 2009) has sought to do away with. It must remember that as per its name, and as mentioned above in paragraphs 3-4, its responsibility for formation is not only with regards to its officials but also to its constituents, the Ateneans themselves. There should be no presumptions of its leaders’ beliefs trickling down to the student body immediately, seeing how most of the Sanggunian’s movements are not at all reflective of the ideals of Ateneans themselves. In espousing a stance without exhorting Ateneans to hold them as well in a more intrusive and polarizing manner, we could not expect to make the student body affirm those they have supposedly elected to represent: a governing body who thinks making students eat canned goods is ideal to make them more receptive to public participation.

But what could be stated as, decidedly, anti-political, IS THIS:

11. WHEREFORE, BE IT FURTHER RESOLVED, the Sanggunian as an institution does not in any way pass judgment on its duly elected members who have not registered in the national elections but seeks to be a co-formator to its constituents by providing an opportunity for personal discernment and personal action,

12. WHEREFORE, BE IT FINALLY RESOLVED, the Sanggunian as an institution upon immersed reflection, with open, honest, transparent dialogue, calls all its duly elected officials who have not registered for the 2010 Philippine national elections to consider tending their resignation,

This statement is a fatal, totalizing statement unworthy of a call regarding a promotion of democratic participation and action. It appears as if elections are the sum total of political participation and thus it is only the salvific point of democratic responsibility. John Stuart Mill has stated it impeccably in his Representative Government: “The pure idea of democracy, according to its definition, is the government of the whole people by the whole people, equally represented. Democracy as commonly conceived and hitherto practised is the government of the whole people by a mere majority of the people, exclusively represented. The former is synonymous with the equality of all citizens; the latter, strangely confounded with it, is a government of privilege, in favour of the numerical majority, who alone possess practically any voice in the State. This is the inevitable consequence of the manner in which the votes are now taken, to the complete disfranchisement of minorities.” In thinking that elections alone would become the lifeboat which will keep the practice of citizenship afloat, we are actually disenfranchising the responsibility to citizenship altogether.

This idea is precisely what the great thinkers of antiquity have strove to prevent by stressing that the good life is the political life: one that encompasses ethics, virtues and manner of living. Democratic activity is not summed up in the ballot or in the ostrakon, but in manifesting their responsibilities and respecting the laws of the land that are in accordance with the Constitution.

In singling out electoral participation as the end-all and be-all of citizenship, one would be falling to the fatal mistake of actually believing that it is only the vote that makes public life worthy. It is as problematic as the Hobbesian perception that only the sovereign (or for that matter, the “tyranny of the majority”) is the one responsible for the endless structuring of the state, decidedly excluding the voices that have been for so long “sub-alterned” by the repressive remnant systems of the Philippine garrison state. We cannot, in democratic and good faith, support such a resolution forcing our representatives in the Sanggunian to renounce their responsibilities as guides of the student body, their problematic understanding of political participation nonetheless, for it would be more destabilizing to the Ateneans’ ability to reflect their aspirations and their desire for legitimate reform and revolutionary means of practicing and living out their responsibility as Catholics, as Filipinos, and as Ateneans.

Wednesday, November 4, 2009

More Than P20: Why Manuel L. Quezon III Should Be A Senator

Being among those advocating for the Manolo Quezon For Senator draft on Facebook, let me raise a few points that makes me throw my lot for Mr. Quezon and what will work against him, and therefore explain my stand as to why he is among the best men for the job.

True, I have been following Mr. Quezon's writings for a while already, and his grasp of the current issues shows an intricate understanding of the workings of the political systems of the country, or whatever dysfunctional systems we might have so far. An understanding of these systems is vital to an elementary framework which will allow for legislation. Keyword: legislation. Among the tripartite branches of government we profess to have in the 1987 constitution, it is the legislative branch which requires much research, crafting of arguments, cross-referencing and understanding of the pulse of the national sphere. In our current bicameral systems which will hopefully be led to a peaceful transition in the aftermath of the Arroyo regime's removal, Mr. Quezon is in a way a part of the cosmopolitan elite most qualified enough for the job, seeing as he has an attuned-to-the-times personality not so different from that of President Quezon during the Commonwealth. That he is better suited for coordinated mobilizations is much better: he has the dynamism of the current generation with the traditional academic erudition (or whatever we have for it in this country) of the past generations so far.

The very fact that he does not seek it explains as well why he is all the more worthy of it: Plato has highlighted it in his "The Republic" that the philosopher-kings are the most ideal leaders because they do not seek office and yet are the ones who have trained all their life for the undertaking. His being an adopted member of the Quezon family quite highlights it all the more: antiquity has the Romans showing that the adopted proteges rule better than the natural children. See the rule of the Five Good Emperors and how it went downhill when Commodus assumed the post. (No, I am not talking of the Russell Crowe-Gladiator version which is bullshit; but you cannot deny Commodus has quirks unbecoming of the Roman Emperor.)

We do have to admit that he has problematic issues involved with his surname, however. The very "racist" proclamation of the elder Quezon and our general opinion of him as a power-hungry, two-timing negotiator has been well-documented in our history books; Manolo himself recognized this and has disassociated himself from it. It is precisely what Michel Foucault has already inaugurated: a constant critique of oneself's involvement. It is what made him an ardent critic of the Arroyo administration after speaking for them; it might be what makes him a transformative force in a decrepit, intellectually-desolate and obscurantist Senate.

I, being a student of the Socialist framework, have long acknowledged the fact that the current systems are self-destructive and therefore should be removed. And yet their disciplinary construction, based from the American model (which the elder Quezon himself heralded), has decidedly recidivist tendencies at the same time, which explains why we cannot do anything to reform it or do away with it. That Manolo Quezon himself does not label himself such shows a following of the post-modern post-structural thought (if he does not do so willingly and knowingly; I may of course be over-reading his actions) reflects a work ethic which is necessary in the process of state rehabilitation without bloodshed if we choose to: an understanding of how to preserve our gains yet violently cut off those which impede the state from making itself relevant to everyday life. Our past administrations have relied on the old guards and they have alienated the youth, and our elders disown them. We now have coordinators; are we to shun what we have of the "mean" we need so far? We have to acknowledge historical progression being incremental.

Quezon is among what we have. Let him make the most out of his capabilities, and it is the demos who calls for it.


Creative Commons License
More Than P20: Why Manuel L. Quezon III Should Be A Senator by Hansley A. Juliano is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-Share Alike 3.0 Philippines License.

Thursday, October 1, 2009

Ekonomiko Pa Rin Ang Tanong

(o kung bakit sa kabila ng aking pakikibahagi magiging walang-kwentang "footnote to history" lamang na naman ang mga mobilisasyon para sa nasalanta ng Bagyong Ondoy)

Marahil may mga bagay na kailangan akong alalahanin sa pag-alis ni Ondoy at maaaring pagsaglit ni Pepeng. Hindi naman siguro masamang sabihin na naging kabahagi ako ng sanrekwang mag-aaral ng Pamantasan na lumubog sa baha, gumawa ng iilang patawang patama sa ibang lugar na binabaha, at nakaranas ng existential crisis sa kung bakit inabot din ang Katipunan ng ganitong kalaking sakuna. Gaya ng naikwento ko na, naramdaman ko ang pagdating ng bagyo noon pa lamang naglalakad ako patungong Alingal Hall, kung saan pinagtulungan ako ng hanging habagat at ng mga luha ni Tungkung Langit na bigyan ng baradong ilong pagkatapos. Alam na natin ang nangyari. Napanood na sa YouTube. Naipost na ang lahat ng retrato at na-tag na tayo ng mga kaibigan sa ganoon kalaking problema. Seryoso: wala na tayong masasabi pa. Walang pinagkaiba sa isang malupit, nakapanunugat at matalim na pagtatanghal ng isang trahedya. Dalawa lamang ang posibleng ating magawa kapag hinarap ka ng ganitong sakuna, at least sa pananaw ng iba: ang magitla't umiyak nang mapait sa libu-libong namatay, o ang umiyak habang nagbabalot ng mga tulong, kundi ang makasama mismo sa pag-aabot ng tulong sa mga buhay pa nguni't lubhang nasalanta. Dito lang sa pagkakataon ko ito siguro masasang-ayunan, bahagya lamang, si Ninoy Aquino nang noong Abril 6, 1975, sinabi niya sa kapwa niyang senador na si Francisco "Soc" Rodrigo:

If we want our people to follow, I propose, we must cease arguing and start acting, doing what a freeman must do to assert his rights and defend his freedoms. Actions, not words. Selfless examples, not ideas. The time for talking is past!

Pero, siyempre, hindi yun ganoon kadali.

~O~O~O~

Oo, nakita ko ang buhos ng mga tulong sa loob ng Covered Courts para sa mga nasalanta. Nakita't nakasama ko ang sari-saring tao, Pilipino man o hindi, Atenista mang lubusan o hindi, bagong salta man o ilang araw nang puyat, para lamang makibahagi sa pagbabalot, pagsasaayos, pagbubuhat o pagpapasa-pasa. Ngayon ko lang ito nakita nang harapan, at sa totoo lang, hindi ko pa rin ito maipaliwanag. Yung kaluluwa ng batang ideyalistiko't mapangarapin ay laging sinasabihan akong "wow, ang galing, may kabaitan pa talaga sa puso ng mga tao. May pag-asa pa ang bayang ito." Pero sa sandaling lumitaw na ang retorika at dekonstruksyon sa isip ko, eto na naman ako sa pagbutas ng optimismo. Oo, sinisira ng katotohanan ng buhay ang pagkainosente ng bata; pero kung papaano at kung mabuti ba iyon o masama, sa ibang sulatin na natin talakayan. Sabi nga ni Nick Joaquin: "if you not change, you are a cretin, and who wants to be called a cretin?"

Malaon ko na ring pinagsusumikapang unawain kung paano ba pagbabanyuhayin ang kulturang Atenista bilang isang kilusang hindi pampribado't para sa kita kundi, alinsunod sa Vaticano II, para sa isang simbahang itinatanghal ang kapakanan ng mga dukha. Totoo bang kinalasan na ng Atenista ang minsang inilarawan at tinuligsa ng nakakatandang manunulat ng Matanglawin na si Juan Danilo Jurado (mula sa Matanglawin, Tomo XXVIII, Blg. 4: Marso-Mayo 2003):

Oo, inaamin ko na alam ng Atenista na karamihan ng mga tao sa ating mundo ay mahirap at walang salapi, ngunit bakit kung umasta ang Atenista ay parang nakapiring na batang naghahanap ng palayok na mapapalo? Kaya sila mahirap dahil tamad sila... Kasalanan na ng tao kung siya’y mamatay ng mahirap pa rin... Mahirap na nga sila, maram pai sa kanila ang magnanakaw at kriminal... Ay, kawawa naman the poor. Ilan lamang ito sa madalas nating marinig sa ating mga kapwa Atenista. Hindi ko maintindihan kung kanila itong mga sinasabi nang dahil sa katangahan o marahil dahil sa pag-aakalang lahat ng bagay ay nakukuha sa sipag na sang-ayon lamang sa burgesyang kapaligiran na iniikutan ng mga Atenista. Hindi ba’t ang kahirapan ay kasiguraduhan din ng ‘di pagtatapos ng pag-aaral at pagkasumpa sa habambuhay na paggawa? Hindi ba’t ang isang manggagawa o magsasaka ay tinitingnan lamang na parang mga makinang bayaran o dili kaya’y mga sakang tagatanim na kayang palitan at alisin “for a more efficient and lower cost of production”? Paano nga ba makakaalpas ang mahihirap sa kahirapan kung ang kakarampot nilang kinikita ay hindi man lamang sapat para sa pang-araw-araw na gastusin, lalo na kaya sa pag-ipon ng kaunti man lamang na kapital? Kung maraming kriminal sa mahihirap, mas maraming kriminal sa mayayaman... hindi nga lamang nahuhuli.

Paano naging ganoon kadali sa Atenista na makibahagi dito, kung papaanong naging madali sa kanyang samahan ang mga magsasaka ng Sumilao at Calatagan? Hindi mo maiiwasang isipin pero doon ka na rin patungo: DAHIL SA MEDIA MILEAGE, O PARA LAMANG SA PAGKALMA SA KANILANG MARURUMI'T NABABAGABAG NA KONSIYENSIYA. Ito pa rin ang lahi ng uring elitista-kapitalista-burukrata na noong panahon ng Unang Kapatang Sigwa (First Quarter Storm) ay tatakbo kaagad mula sa Barrio Forbes Park (ang "barriong mahal ni Marcos") at pupunuin ang Hotel Inter-Continental, takot na singilin ng bayang mang-uusig sa kanilang kakulangan sa pagiging Kristiyano at kalabisan sa pagkakamal. Ito ang uring liberal na ipinagmamayabang ni Ayn Rand; ang bunga ng pagpipilit sa lubusang indibidwalismo, ang sarili bilang pinakamahalaga sa lahat at wala nang iba, kaysa sa sosyalismong ang sarili kasabay ng bayan, ang sarili kasabay ng kapwa, ang sarili kasabay ng Iba.

Sige, narito, nagbigay na tayo, nagpagod na tayo, nagdasal tayo. At yon lamang, at sasabihin na natin kagaya ng mga taong sumama sa libing ni Pangulong Corazon Aquino na: "tangina pare i was at her funeral, I'm damn proud to be Pinoy pare! O kumusta na nga pala yung bagong SUV na winasak mo? Napakilo mo na? Ano na sa 10 mong kotse gagamitin mo?" Para kang nagkwento ng isang krimen na pwedeng-pwedeng gawan ng pelikula ni Carlo J. Caparas o ni Kaka Balagtas (kung di mo sila kilala, pagpalain ka; wag mo nang subukan) tapos mag-aalok ka ng dinuguan sa kinuwentuhan mo. Kumbaga, para masabi lang. Hindi mo tuloy makita lahat nung sinasabing magis, people- and professionals-for-others, sapientia, wala.

Nakikita natin ang ating kultura bilang isang kulturang reaktibo at hindi pro-aktibo. Ibig nating sabihin, kumikilos lamang tayo kapag nagkawasakan na, kapag nasalanta na tayo't lahat ng ating mga pagkakamali at saka magsisisihan, kaysa isipin ang mga posibleng nangyari sa hinaharap at magtatatag na. Kumbaga, lahat ng sinabi ni Machiavelli na dapat gawin ng isang pinuno upang maging mahusay at handa, walang habas nating di pinakinggan, dinuraan, tinapunan ng basura, pinagpuputulan ng puno, at tinaehan. At ngayon magtataka tayo na bumalik ito sa atin? Mga pare, wag niyo naman sabihing ganoon kayo katanga. Ang DepEd ba talaga ang may kasalanan niyan, ang mga magulang ninyong hindi rin alam ang maaaring gawin, o matitigas lang talaga bungo niyo? Huwag nyo naman piliting piliin namin ang preskripsyon ni Aristoteles sa mga taong "intemperate." At gaya ng ating lubusang pagka-atat sa masisisi, pinili nating bagsakan ng galit ng angaw-angaw na demonyo si Jacque Bermejo (na hindi rin natin alam kung siya ba ang nagsulat, nag-"sleep-type" siya, o talagang hindi lang siya nakapag-isip ng mas magandang Facebook status). Di ko tuloy masisi si Lourd De Veyra na magtanong: "KULANG NA BA TAYO SA TALINO?" Naalala ko tuloy si Tracy Isabel Borres; kumusta siya pagkatapos wasakin ni Anonymous?

Mukhang oo e. Kapag nakikinig ka pa sa mga political ad (oo, lahat) na lumabas nitong nakaraang dalawang buwan at may rasyonal ka nang pag-iisip noon, kaawaan ka ng Diyos kapag sinabi mong "lehitimong kampanya ito."

Hindi na ilang ulit ito. Noong ZTE-NBN Deal ay naglagablab tayo at iniangat si Jun Lozada nang binabayo siyang lubusan ng mga alyado ng Pangulo kagaya ni Benjamin Abalos at ng nag-aalangang si Romulo Neri. Noong niratsada sa Bastusang Pambansa ang Con-Ass, nagwala ang mga gising sa internet at magkakasama tayong nag-ingay sa iba-ibang lugar. Ito lamang pagkain ng "mahal" na Pangulo sa Le Cirque e pinaulanan natin ng batikos. At nasaan tayo ngayon? Wala. Tanungin mo ang karaniwang tao di rin nila maalala. Sinasabi nating magsisimula na ang himagsikang magpapabagsak sa pasista-militarista-patronistang pamahalaang ito sa libing ni Pangulong Aquino. At huwag nating kalimutang sampung taon tayong naghahayag ng mga "kontra-SONA." Nasaan tayo patungo? O mas magandang tanong: alam pa ba natin kung bakit natin kailangang may tunguhin?

~O~O~O~

Palagay ko natagpuan ko yung sagot ko noong, habang napilitan akong maglakad mula Barangay Bayanan hanggang Barangay Putatan, lakaran ng mga may 10 kilometro sapagka't naipit sa trapik ang bus na aking sinakyan pauwi ng Muntinlupa. May tambay na nakasuot ng itim na kamisetang sumisigaw ng mensaheng: HINDI PO AKO EMO, NAKIKIUSO LANG PO.

Uso. What's hip and what's happening. Kung ano'ng dumating, yun na. At pagkatapos, matutulog tayong mahimbing at sasabihing: "responsable akong mamamayan."

Anak ng tinapang nabulok pero kinain ni Arroyo.

Nagagalit tayo kapag sinabihang "minsan lang nagkamali, sinumpa na. Nakalimutan na ang lahat ng nagawang mabuti." At bakit nga ba hindi? Matagal nang sinabi ni Aristoteles: "ang taong makatuwiran ay gumagawa ng kabutihan nang paulit-ulit, walang likat." Sapagka't ang halaga ng katarungan ay di natututunan nang paisa-isa, patingi-tingi. Magpapalusot pa tayo na "minsan lang, di na mauulit." At ilang ulit na ba yang nasira, lalo't matagal nang nakita ni Machiavelli na "sadyang mapanlinlang ang tao?" Ilang ulit nangako si Marcos na ito na ang huling utang niya, at tignan ninyo ang naiwan sa atin. Ilang ulit sinabi ni Arroyo na ito na ang huling pagkakataong "makikisawsaw siya sa politika, pero winawasak niya't sinisiil ang karapatang sibil?" Hindi tayo matatapos kung bibilangin ko lahat.

~O~O~O~


Pero gaya ng sinabi na dati ni Pete Lacaba, mas epektibo ang retorika kapag tumatama sa imaheng nakikita mo araw-araw. Hanggang makakakita ka ng mga batang nagsasabing sila'y mga "Badjao" na hindi makauwi (pare, totoo ito. Kahit na may mga napipilitan o gago lang talagang nakikisawsaw sa tanging desperasyon ng mga Badjao, wag mong sabihing nanloloko na silang lahat; basahin mo uli si Jurado sa itaas), hangga't pinupunit ng kanilang inosenteng tinig ng kawalang-pag-asa ang ihip ng hanging amihan sa loob ng pampasaherong bus, at hanggang nakikita mong sa barung-barong sila pinanganak, sa barung-barong sila uuwi, at sa barung-barong sila babagsak nang patay, dilat at gutom, wala kang karapatang sabihing mamamayan ka. Wala kang karapatang sabihing Kristiyano ka. Wala kang karapatang magsabing Pilipino ka.

Habang nababagoong ang resume mo ng paglilingkod at itinatala mo para may maipakita ka sa iba, wala ka sa kalingkingan ng komadronang handang gumising kahit hatinggabi para magpaanak kahit barya-barya lang ang kita. Sabi nga naman ni Reynaldo Cruz Garcia: maraming mandurukot ang nakakurbata,

At liban pa roon, hindi ka tao pag kinagat mo ang mga info ad ni Bayani Fernando. Hindi natin kailangan ang bayaning alipin, kundi ang bayaning mandirigma ng Himagsikan.

Sabi noon ni Ninoy sa kanyang kapwa senador na si Eva Estrada Kalaw sa isang liham ng Pebrero 21, 1983, mga anim na buwan bago siya pataksil na pinusila sa tarmac ng Manila International Airport:

I realize many will criticize us for even thinking of possibly opening a dialogue with Marcos. Some will call this an imperialist plot designed and conceived in Washington. But if we are to prevent a communist takeover, we must help Marcos inspite of himself find a peaceful solution to our crisis.

I am sure the CPP/NPAs will be most unhappy by the holding of a clean and honest election because this will delay their timetable.

Clean and honest elections will provide fresh hope to people almost desperate. If we are to prevent the radicalization of our people to the left, we must present them with a credible hope and that can be accomplished if we can work out a peaceful transition scenario with the top actor: Marcos.

Only a hopeless people will turn to communism. We must therefore exert every effort to convince Marcos that a genuine return to democracy is the only sure path out of the enveloping red tide.

Only more democracy can defeat communism. Increased repression will only hasten the communist victory.

Alam nating ang layon ni Senador Aquino ay iwasang lubha ang pagdanak ng dugo. Isang pagtatatag sa dati nang pinanghawakan ni Rizal na:

"I do not mean to say that our liberty will be secured at the sword's point, for the sword plays but little part in modern affairs, but that we must secure it by making ourselves worthy of it, by exalting the intelligence and the dignity of the individual, by loving justice, right, and greatness, even to the extent of dying for them,--and when a people reaches that height God will provide a weapon, the idols will be shattered, the tyranny will crumble like a house of cards and liberty will shine out like the first dawn.

"Our ills we owe to ourselves alone, so let us blame no one. If Spain should see that we were less complaisant with tyranny and more disposed to struggle and suffer for our rights, Spain would be the first to grant us liberty, because when the fruit of the womb reaches maturity woe unto the mother who would stifle it! So, while the Filipino people has not sufficient energy to proclaim, with head erect and bosom bared, its rights to social life, and to guarantee it with its sacrifices, with its own blood; while we see our countrymen in private life ashamed within themselves, hear the voice of conscience roar in rebellion and protest, yet in public life keep silence or even echo the words of him who abuses them in order to mock the abused; while we see them wrap themselves up in their egotism and with a forced smile praise the most iniquitous actions, begging with their eyes a portion of the booty--why grant them liberty? With Spain or without Spain they would always be the same, and perhaps worse! Why independence, if the slaves of today will be the tyrants of tomorrow? And that they will be such is not to be doubted, for he who submits to tyranny loves it.

"Señor Simoun, when our people is unprepared, when it enters the fight through fraud and force, without a clear understanding of what it is doing, the wisest attempts will fail, and better that they do fail, since why commit the wife to the husband if he does not sufficiently love her, if he is not ready to die for her?"

Nguni't dama pa rin ang liberal-demokratikong pagka-inosente. Kahit hindi nais ni Rizal ang dahas, may pangarap siya sa pagtatatag ng isang bansa. Si Ninoy, sa kabilang banda, ay ipinagtatanggol ang pamumuhay bago si Marcos. Sa kahulihan, kahit sabihin nating si Ninoy ang naglunsad ng himagsikan sa kanyang pagkamatay katulad ni Rizal, si Rizal pa rin ang tunay na rebolusyanaryong ideologo.

Ang masaklap lang, lahat ng imahen ng rebolusyon, coopted pa rin ng kapitalismong salot:


Kahit bagyuhin tayo ng ilang ulit, lindulin pa, paulanan ng apoy, hanggang ang kaluluwa ng Pilipino ay hindi napapalaya, ano ang silbi ng donasyon? Sabi nga ni Isabel Allende sa kanyang nobelisasyon ng Zorro: isa lamang itong malaking panggagago.

(pagtatapos: utang na loob ang sulating ito sa masinop na pagtatala ni Patrick Manalo at sa ilang mabungang talaban ng isip kay Leiron Martija.)

Plurk