Lahat tayo ay naiipit sa isang usapan o parametro na hindi natin alam kung gaano na katagal nagsimula o kung kailan ba talaga magwawakas. Ipinagpapalagay natin na ang ating kalagayan ay isang lunan at panahon na hindi natin gawa, na nalaglag na lamang tayo dito simula nang tayo'y tulutang masilayan ng araw (o, para sa postmodernong panahon, ng floodlight ng operating room) na hindi natin makikilala kung hindi pa tayo tatapikin, papaluin o hahampasin sa puwitan. Kaya nga naman siguro ang mga fraternity o gang ay mayroong fetish sa pamamalo sa puwit, dahil marahil isa itong pagsasakatuparan ng ritwal ng pagtitibay sa buhay ng kaluluwa ng nangangarap maging bahagi sa isang uri ng pamumuhay.
Ang mahalaga ay lagi tayong ipit sa gitna.
Hindi natin sinusubukang tawirin at talusin, kahit papaano mula pagkabata, ang mga hangganan, gilid-giliran at mga bangin ng pag-uunawa at haraya dahil tayo, sa ating naturalesa, ay mayroon talagang pagpapahalaga sa mga payak na kinalalagyan. Konserbasyon. Pagpapanatili. Pagpapatibay.
PERO LAHAT ITO AY NAWAWALAN NA NG HALAGA SA SANDALING MALAMAN MO KUNG ANO ANG IBIG SABIHIN NG MAHIWAGANG SALITA.
Mga ilang pagkakataon ko na rin ito pinagtatakhan, kung bakit kailangan na ang bawa't bagay na paglalagyan ng isang tao ng interes ay magbubunga sa kanya ng ilang ulit na pagkadama ng hapis at dusa. Kung bakit nga ba na hindi ka naman nangangailangan nito sa ilang bahagi't signo ng buhay mo, tapos bigla mo na lang mararamdaman ang di-kawasang alab o kati na sabihin ito para sa isang persona sa iyong paligid, maging ito man ang pinakauna mong pinagbahaginan ng iyong pagkabata o kahit pa ang iyong pinakamapait na kaalit:
Ganoon na rin pala katanda ang problemang ito.Ang mahalaga ay lagi tayong ipit sa gitna.
Hindi natin sinusubukang tawirin at talusin, kahit papaano mula pagkabata, ang mga hangganan, gilid-giliran at mga bangin ng pag-uunawa at haraya dahil tayo, sa ating naturalesa, ay mayroon talagang pagpapahalaga sa mga payak na kinalalagyan. Konserbasyon. Pagpapanatili. Pagpapatibay.
PERO LAHAT ITO AY NAWAWALAN NA NG HALAGA SA SANDALING MALAMAN MO KUNG ANO ANG IBIG SABIHIN NG MAHIWAGANG SALITA.
Isang aklat na maputi, ang isinulat: Luha!
Kaya wala kang mabasa kahit isa mang talata;
Kinabisa at inisip mulang ating pagkabata;
Tumanda ka't nagkauban, hindi mo pa maunawa.
There is nothing basically, I mean it quite literally. But then how the things emerge... here I feel a kind of spontaneous affinity with quantum physics where, you know, the idea that the universe is a void but a kind of a positively charged void, and then, particular things appear, when the balance of the void is disturbed. And I like this idea spontaneously very much, the fact that it's not just nothing, something is out there, it means something went terribly wrong. That what we call creation is a kind of cosmic imbalance, a cosmic catastrophe, that things exist by mistake, and I'm even ready to go to the end and to claim that the only way to counteract this, is to assume the mistake and go to the end, and we have a name for this, it's called love.
Isn't love precisely this kind of cosmic imbalance? I was disgusted with this notion of "I love the world," "universal love," I don't like the world, I'm basically somewhere between "I hate the world or I'm indifferent towards it." But the whole of reality, it's just it, it's stupid, it's is out there, I don't care about it. Love for me is an extremely violent act, love is not "I love you at all," Love means I pick out something and it's again the structure of imbalance, even if this something is such a small detail, fragile individual, person, I say I love you more than anything else. In this formal sense love is evil.
Pero saan ka nga ba magbubuhat kung ang isang bagay ay laging nababanaag sa konsepto ng kawalang-katiyakan kundi sa pinagmumulan ng lahat ng katiyakan at kawalan: ang kadiliman.
Amor mío, en la hora
más oscura desgrana
tu risa, y si de pronto
ves que mi sangre mancha
las piedras de la calle,
ríe, porque tu risa
será para mis manos
como una espada fresca.
Sapagka't ang pag-ibig, kahit kailan, ay hindi isang usapan ng isang pagsibol, kundi ng isang pagwasak. Pagwasak sa buhay ng iyong iniibig sapagka't sino ka nga ba, buhong na matamis ang dila at mapangahas ang tindig, na bigla-bigla na lamang susulpot mula sa iyong pinagmulang sulok ng sangkalawakan upang lapitan ang isang nilalang na nakagiyagis sa iyong kaluluwa at nakabingwit sa iyong mga mata, habang bitbit mo ang pumpon ng mga pinaslang mong sibol ng kapatagan upang ihandog, kasabay ng pagpapaulan ng samu't saring awit at mga pagdakilang hihiyain ang kahit sino pang makata? At sino ka naman, dilag na anak ni Narciso, na mangangahas iwaksi o ipagwalang-bahala ang pagsusumakit ng angaw-angaw na kabalyero, mandirigma't mga mandadalit upang itanghal ka nang higit pa sa mga tala at bathala? Sino kang ni wala pa mang ginawa kundi ang kilalanin ang iyong sarili at wala nang ibang pipiliing gawin kundi iyon, sino ka na may karapatang ituring silang hangal? Sino ka upang tawaging basura ang pinakabuhay na nilang iniluluhog sa dambana ng iyong mga paa?
Sa mga bayang gumagalang sa babaing para ñg Filipinas, dapat nilang kilanlin ang tunay na lagay upang ding maganapan ang sa kanila'y inia-asa. Ugaling dati'y kapag nanliligaw ang nagaaral na binata ay ipinañgañganyayang lahat, dunong, puri't salapi, na tila baga ang dalaga'y walang maisasabog kundi ang kasamaan. Ang katapang-tapañga'y kapag napakasal ay nagiging duag, ang duag na datihan ay nagwawalanghiya,na tila walang ina-antay kundi ang magasawa para maipahayag ang sariling kaduagan. Ang anak ay walang pangtakip sa hina ñg loob kundi ang alaala sa ina, at dahilan dito, nalunok na apdo, nagtitiis ñg tampal, nasunod sa lalong hunghang na utos, at tumutulong sa kataksilan ñg iba sa pagka't kung walang natakbo'y walang manghahagad; kung walang isdang munti'y walang isdang malaki. Bakit kaya baga di humiling ang dalaga sa iibigín, ñg isang marañgal at mapuring ñgalan, isang pusong lalaking makapag-ampon sa kahinaan ng babai, isang marangal na loob na di papayag magka anak ng alipin? Pukawin sa loob ang sigla at sipag, maginoong asal, mahal na pakiramdam, at huwag isuko ang pagkadalaga sa isang mahina at kuyuming puso. Kung maging asawa na, ay dapat tumulong sa lahat ng hírap, palakasin ang loob ng lalaki, humati sa pañganib, aliwin ang dusa, at aglahiin ang hinagpis, at alalahaning lagi na walang hirap na di mababata ñg bayaning puso, at walang papait pang pamana, sa pamanang kaalipustaan at kaalipinan. Mulatin ang mata ñg anak sa pagiiñgat at pagmamahal sa puri, pagibig sa kapua sa tinubuang bayan, at sa pagtupad ñg ukol. Ulituliting matamisin ang mapuring kamatayan saalipustang buhay.
Wala ngang dili iba, ituring mo man na matamis at siyang sing-halaga ng angaw-angaw na daigdig, isa sa mga kasamaang sa ati'y nagpapahapis ay ang tawag ng pag-ibig.
剣は武器である。剣術は殺害の芸術である。 どんなきれいな単語をそれについて話すのに使用するこれは本質である。
No comments:
Post a Comment