Saturday, October 17, 2009

Biyaheng Pauwi, Mga Buhay na Lugami

(o kung bakit naaalala ko si Jenny dela Cruz pagkatapos ng lahat ng natutunan ko sa semestreng ito)

Alay sa South Crest School at sa Batch 2007-2008, na nananatiling nakakulong sa diskurso ng neoliberal na pagkawasak

Una sa lahat: basura ang Twilight series ni Stephenie Meyer. Sa totoo lang napakalaki ng Moral Dissonance kung titignan mo ang konteksto ni Edward Cullen bilang ideyal na lalake ng maraming nagwawalang fangirls (o pwede natin sabihin sigurong mga sanrekwang ditzes na nakikibahagi sa produksyon ng mga tinaeng letra na naging bundok ng salita). Ngayon ko lang naunawaan kung gaano kasama ang sundin ang bawa’t naisin ng babae kung nais mong makamit ang, kung sisipi ako sa popular na metapora na matagal na ring nababagoong, ang matamis niyang oo.

Alam ko, alam ko, papatayin ako ng mga babae sa aking sapot ng ugnayan (sarili kong termino para sa “network”) na kabahagi ng pulutong ng mga nangangarap maging Cullen ang apelyido, pero sabihin niyo sa akin, kung pagtutugmain ninyo ang lahat ng rasyonalidad (o kahit simpleng lohika ng moral development), hindi kayo mandidiri sa seryeng ito. Bilang halimbawa, ang panginoon ng kawasakan ng mga Tunay na Lalake, si Lourd de Veyra, frontman ng Radioactive Sago Project, ang nagwika:

Now look at that. Here we are for the past 50 years, enjoying our duty-free imported books, then a black P650-hardbound with a red apple on the cover comes to screw it up for everyone. Maybe government should do more than just slap a 5% tax. For all we know, Twilight— which the horror maestro Stephen King succintly described as “good plot, crap writing— might be a negative influence on its intended audience. Perhaps government can imagine a hill of Twilight books, burning under the reddening night sky. For all we know, Metro Manila streets might be full of morose 16-year-olds calling themselves “Bella” and “Edward” and wearing eyeliner and bite-marks on their necks. In which case, we might have to throw these little vampires into the fire as well. Just to make sure.

Nakuha ko ba atensyon mo? Mabuti. Inaasahan mo bang kritika ito ng Twilight at susubukin mong wasakin ang mga argumento ko sa pamamagitan ng pagwawala sa pagmamakinilya ng “PUTANG INA KA I '<3' EDWARD CULLEN KAYA SHUT UP ASSHOLE!”, nang isang milyong ulit, ganon ba? Pasensya ka na lang: hindi para sa hindi nag-iisip nang hindi nakakahon ang sulating ito. Sabi nga ni Yol Jamendang, guro sa Kagawaran ng Filipino: “Alam mo pare, may mga libro akong binasa dahil alam kong maraming chicks ang nagbabasa nun. Hindi ko na uulitin yun.”

Hindi talaga ito ang topic ko, pero babalik tayo dito.

~O~O~O~

Kung bukas ang utak mo, pakinggan mo ako ngayon:

Isa siguro sa mga parikala ng buhay ko ngayon e yung intelektwal na pormasyon ng Pamantasan na kinabibilangan ko. Sure, sige, nakakatuwa para sa isang kagaya ko na matagal nang interesado sa pangangalap ng kaalaman, pero dumarating sa punto na dahil alam mo na ang katuturan ng lahat ng bagay, bakit ganyan, paano naging ganito ang mga kaayusan, at kung paanong ang pinakasimpleng bagay ay puwedeng mapatunayan na bahagi ng isang mapaniil na kaayusang winawasak ang kakayanan mong maging malaya at dakilang nilalang, hindi mo maiwasang mawalan ng pagpapahalaga sa mga maliliit na bagay. Sa totoo lang, noong ako’y nasa Mataas na Paaralan, ok lang sa akin ang Wowowee (o baka dahil naglalaway pa ako noon kay Iya Villania), nakakatawa manood ng Big Brother, at lagi ko sinusundan ang Klasmeyts. Pero simula nang makausap ko (kahit pasaglit-saglit lang) ang mga taong matagal nang patay pero nagsasabi pa rin ng mga ideyang hindi siguro maririnig ng kahit sino sa mga kaklase ko sa South Crest School na nursing pa rin ang putanginang pinagkakasiksikan, ang Wowowee ang simbolo ng depribasyon at dehumanisasyon ng intelektwalidad ng Pilipino. Ang Big Brother ang epitomya ng pagnanasa ng pribado na makamit ang publikong lunan habang tayo ay nagpapaubaya nang may malalawak na ngiti sa labi, isang tandisang ekshibisyonismo. At ang Klasmeyts (at ang ang sabihin na nating sumunod dito ang Banana Split) ang tanda ng nananatili at namamayaning sekswalisasyong para sa produksyon ng kapitalismong pag-iral.

Isa lang ang hindi nagbago: BASURANG-BASURA PA RIN ANG GMA KAHIT ANO GAWIN NILA.

Kung hindi mo naintindihan ang lahat ng sinabi kong iyon, yun mismo ang punto ko. Parang sobra na akong alienated sa dati kong buhay, sa lahat ng pinanghahawakan ko mula pagkabata, na ngayon wala na akong pakialam sa lahat ng sinabi ko noon na may pag-asa pa sa pagbabago na hindi kailangang gamitan ng lakas. Ngayon, nakita ko na na ang kalagayan natin, sa isang estadong garison, laboratoryo at opisina de comercio, ay sa naturalesa hindi magiging mapagpalaya kundi magkakahon sa atin bilang estadistika. Metafiksyon nga, na may kaalaman ang karakter ng guni-guni na siya ay umiiral sa guni-guni, na alam niya ang kanyang kahahantungan. Kumbaga, para kang naglalaro ng RPG na may walkthrough, kaya nawalan ka na rin ng thrill, ng tremendum et fascinosum. Batay nga sa pahayag ni Hannah Arendt sa The Human Condition: the situation created by the sciences is of great political significance. Wherever the relevance of speech is at stake, matters become political by definition, for speech is what makes man a political being. If we would follow the advice, so frequently urged upon us, to adjust our cultural attitudes to the present status of scientific achievement, we would in all earnest adopt a way of life in which speech is no longer meaningful. For the sciences today have been forced to adopt a "language" of mathematical symbols which, though it was originally meant only as an abbreviation for spoken statements, now contains statements that in no way can be translated back into speech. Hindi na kayo magkaintindihan ng kausap mo kasi hindi na kayo nagtutugma ng kaalaman at pang-unawa. Magtataka pa ba tayo kung bakit si Dr. Manhattan ay unti-unting natulak na lumayo sa mundong ito?

At iyon ang kalagayan natin, unti-unti tayong lumalayo sa isa’t isa dahil sa isang mundo na binubuo ng mga bansang walang inisip kundi magkamal, nakalimutan na natin ang ating mga sarili, o sabi nga ng The Wuds, “at nakalimutan ang Diyos.” Parang wala nang silbing mabuhay dahil alam mo na rin, at parang pakiramdam mo wala kang magawa dahil kahit alam mo ang nangyayari hindi mo alam ang gagawin mo. Tama nga ang sinabi ng kasama sa kursong si Leo Arman Galang: disempowerment is the new apathy. Ano ang sinasabi, hindi lang ng Atenista, kundi ng lahat ng kabataang tatanungin mo kung bakit hindi sila nakikibahagi sa himagsikang mapayapa o may pakikibaka: “alam kong tama, pero wala rin naman akong magagawa.” Wala silang kapangyarihan dahil wala silang alam na patutunguhan at pwedeng gawin.

Ito ang hahanapan natin ng posibleng sagot, sa tulong ni Michel Foucault.

~O~O~O~

Pumasok lang talaga ako sa araw na ito dahil mayroon kaming 10-minutong pahabol na pagsusulit para sa kursong PoS 130: International Relations. Hindi ko na ikukwento kung bakit dahil masalimuot ito. Sa pagtatapos niyon tumuloy ako sa forum ng Gabriela na pinangunahan ni Bb. Cristina Palabay, na inorganisa ng klase sa PoS 100: Politics and Governance ng aming butihing Nangangasiwang Patnugot sa Matanglawin na si Danna Aduna. Napagtanto ko kung gaano kalaki ang hamon ng pagpapalaganap sa isyu ng kababaihan sa darating na halalan (kahit nilalakad ng mga kasama ko sa Kagawaran ng Agham Politikal na iwaksi ang halalan upang mailakad ang tunay na Pambansang Demokrasya), at kung paano ba dapat mag-organisa. Parang sisi tuloy ako na hindi ko ito naisama sa aking analisis sa kalagayan ng babae sa talaban ng postmodernismo at postkolonyalismo para sa aking papel sa Fil 108.2: Araling Postkolonyal.

Oo, alam ko nahihilo ka na sa mga course names na ito. Titigil na ako.

Nanatiling problema para sa akin kung bakit yata sa Pamantasan (at least sa batch na aking kinabibilangan) napakakaunti ng kumikilos para sa layunin ng peministang pagsusuri at emansipasyon. Mga ilang ulit nang pinansin ng guro ko sa Pilosopiya, si P. Luis David, S.J. kung bakit tila baga walang interes ang Atenistand babae, gayong andaming isyu ng babae sa kalagayan ng akademya. Minsan naiisip ko ang sobrang “pagbe-baby,” ika nga, ng Ateneo sa kanyang mag-aaral (liban pa sa lubusang fetishisasyon ng putanginang UAAP, pasintabi sa mga rabid fans) ang sanhi na lumilikha siya ng maling sensibilidad na ito na ang paraiso. Kaya hindi na nagsasalita ang Atenista. Kaya makapal ang mukha niya magyabang na mayroong Silent Majority na hindi nakikialam sa “maiingay na destabilisasyon” ng mga aktibistang inapi at inalisan ng karapatan kaya piniling mamatay nang lumalaban. Ano talaga ang nangyari? Hindi naman ganito ang kababaihan ng mga ibang nakolonisang bansa. Saan tayo nagkamali? Sinabihan kami ni P. David na:

Men are not gonna give women privilege without women putting up a fight. So between historization of women’s bodies in the 19th century by means of emergence of medically-established protocols relating to women, between that time and now, there had to be a lot of organizing among women. Even if they are not enough, if more could still be done, a lot already has been done, but because of the activism of women themselves. If you study feminist concerns, I think what you will find is story of those branded victims, pushed almost with their backs to the wall precisely because they have been pushed with their backs to the wall. We expect of dogs that are pushed into a corner to do a last-ditch effort. When you look at the medical stories of the time, they are all pushed… Foucault does not talk of immutable arrangements; possibilities for resistance are always possible to mount, to stage. Isn’t that the strongest weapon of women, becoming PUZZLING … It is a theatre in the struggle of the doctor and his female patient. He says “I am, not you, the master of your body.” Kahit ikamamatay ko ito, I want to prove I am the master of my fate. Next time do not pity, she might be actually mounting a monumental resistance. It’s just like suicides. Do not assume they are someone defeated; that is not how Japanese look at it; a last-ditch successful attempt to exonerate your honor. All I say is not automatically assume that there can be only one meaning of anything. One should not automatically assume. When mostly female activisms have achieved is their right to not being forced by husbands.

Mayroong isyu sa emansipasyon pero tila baga sinukuan na natin ang laban. Kumbaga sa wika ni Nick Joaquin: The Revolution had ran out of Filipinos. Ang mas masaklap dito, hindi yata natin alam na may laban pang dapat ipaglaban. Tanda ko iyon, tinuturuan tayo sa elementarya na mga batang lalaki na ibigay sa matatanda at mga babae ang ating upuan sa mga pampublikong sasakyan kung wala silang maupuan. Kaninang sumakay ako sa bus, may isang nars na nakauniporme pa na napilitang tumayo sa bus. Siksikan na noon, halos wala nang pinagkaiba sa MRT o LRT. Nagkatakutan siguro dahil sa napabalitang bagyo. Katabi niya ang tatlo, ulitin ko, TATLONG linya ng upuan na puro lalaki ang nakaupo. Walang tumayo’t magbigay. Kung hindi pa ako nagbigay, titiisin niya ang 2 oras na masakit ang katawan habang umaalog ang bus sa pagtakbo o pagpupusang walang likat sa usad-pagong na paglakad ng mga sasakyan sa inaayos na Skyway. Alam ko, pare, sasabihin ng mga kosa: pare hindi na uso ang gentleman; maginoo pero medyo bastos na! Alam ko may mga radikal na feministang naiinsulto doon; pero seriously, sa tulad ko na may mga bitbit na kayang dalhin at sa kanya na halata mong pagod na at masakit ang ulo sa kanyang mahirap na tungkulin na maglingkod sa maysakit, sino ang mas may kailangan ng mas komportableng byahe? Tanginang Ayn Rand kasi e; puro sarili ang inuuna.

May bulsa ng kapangyarihan (pockets of power) na puwedeng panindigan ang babae upang maitanghal ang kanyang kakayanan sa pagtuturing na kapantay at higit sa mga lalaki. Parikala ko siguro rin na lalaki ako (so far, hehe) pero nakikibahagi ako sa diskurso ng peminismo na may potensyal durugin ang aking identidad. Naisulat ko sa aking papel sa Araling Postkolonyal (ang pinakamahabang naisulat ko sa ngayon) kung paano:

Sa [proposisyon ni Michel Foucault] na pilosopikong pagkilos upang balikan ang mga dating landas ng mga nauna sa atin, matatalunton natin ang mga pagkilos na maaaring tunguhin ng mga babae upang mapanatili nila ang kanilang pagkakakilanlan sa labas ng anino ng lalaki. Kailangan ang pagtanggap sa katotohanan ng potensya ng desorbitation para sa isang suhetong kumikilos sa postkolonyal na pagkakilanlan sa isang kalagayang postmoderno...

Ang mga sensibilidad ding ito marahil ang nagtakda kay José Rizal na tandaang magpaalala sa kababaihan ng kanyang panahon kung papaano ang marapat na ikilos at isipin ng isang babaeng nagnanais lumagpas sa pagkasailalim bilang suhetong kolonyal. Malinaw ang kanyang pagsusumikap wasakin ang isteryotipo ng Pilipina na ang tanging alam ay “magbubulong ng dasal, walang karunungan kundi awit, nobena at milagrong pang-ulol sa tao, walang ibang libangan kundi magpanggingge o kumpisal kaya ng muli’t muling kasalanan,” isang nilikha ng mekanismong disiplinaryo ng kolonyal na estado. May obsesyon din si Rizal sa paggamit sa panitikan bilang haliging-bato ng kanyang proyekto sa paglikha ng pagkakakilanlang makabansa, kaya naman hindi kataka-taka na ituro niyang halimbawa ang klasikong pamumuhay ng mga taga-Sparta bilang karampatang pamumuhay ng isang babaeng nalalaan hindi lamang sa paglilingkod sa kanyang mag-anak kundi maging sa bayan.

Hindi natin inaalagaan ang kalagayan ng kababaihan, na higit pa sa mga lalaki ay siyang pinakamahalagang tagapagkandili at nagtatakda ng tatahaking ispiritwalidad ng isang lipunan. Maghanap ka ng lipunang ang tingin sa babae ay komodifikado, mga premyong pinananalunan sa torneo, at makikita mo ang babae bilang sex symbol, bilang puta, bilang biktima. Nguni’t hindi tayo makaimik, dahil totoo.

~O~O~O~

Naikwento ko na ito minsan. Mangha pa rin ako sa konsepto ng Jeepney Magazine, ang unang street paper sa Pilipinas, at kung papaano kahit kaunti’y nakapagdudulot ito ng isang transformativong proseso sa buhay ng ating mga kababaya’t kapatid na nasa ilalim na paghahati ng lipunan. Mula sa kanilang website:

"The Jeepney Magazine" is a Filipino publication produced by the Urban Opportunities for Change, Foundation Inc.

The Jeepney Magazine has two main goals:
• The first is the presentation of the stories and hearts of the Filipino poor. It is our intent to communicate the needs, struggles and more importantly, the victories in the midst of those struggles, of homeless people, to an audience that can make change happen.
• The second is the provision of jobs, with dignity, meeting or exceeding the Philippine minimum wage. The provision of jobs, is modeled by the over two hundred autonomous street papers in the world today. The vendors of these papers receive fifty to ninety percent of the papers cover price.

Jobs provide for society what a dole out never can: including dignity, responsibility, and enterprise. Give someone 100 pesos and proliferate poverty or buy a Jeepney and stop the cycle. It is your choice.

Very noble, very charitable, ating sasabihin. Pero saan talaga ito patungo? Kasi sa kabila ng katotohanang kumikilos tayo sa ngalan ng caritas, parang anlabo naman yata na mananatili ang dependienteng ugnayan. Idagdag pa ang katotohanang ang konsepto nito ay gawa ng mga Kanluraning nagnanais makatulong. Sure, oo, pero iyon nga: kaso pa rin ito ng Orientalisasyon, ang pagtulong bilang afirmasyon ng mga pagkakahati ng mga tao sa naghaharing-uri at inaapi, pati sa mga nakahihigit na lahi. Liberal-demokratiko pa rin, na sinabi ni Rolando Tolentino: Kahit may dissenting na opinyon ay okey lang. Tinatanggap sa liberal na demokrasya ang pluralidad ng mga opinyon at praktis, maliban doon sa direktang tumutuligsa sa ideal nito – tulad ng mga sosyalistang idea at praktis.

Kaya naman nanlumo ako nang makababa ako ng bus at nang makita ko ang lunan ng pamilihang lungsod ng Muntinlupa: wasak pa rin. Of course palengke yan, eew! Are you stupid?! , sasabihin ng iba. Pero hindi yun ang punto e. Bakit kailangan maging makina ang etika ng mamamayan para makasabay sa isang mundong eksploitatibo, isang lipunang ang hangad ay magkamal, ang isang pamahalaang hindi mangingiming itanghal ang kanyang sarili bilang paragon ng katarungan gayong ilang dagat na ng dugo ang itinigis niya mula sa kabataan ng ating mga mamamayan? Ilang libo pa ang kailangang mamatay bago tayo magising na hindi tayo uusad sa isang kalagayan kung saan nangangako ka ng pagbabago pero ang mga magdadala ng pagbabago ay mga putanginang lumang mukha lumang pangalan lumang pamilya LUMANG SISTEMA PA RIN.

Sabi ni Ninoy Aquino sa isang liham niya kay Francisco “Soc” Rodrigo noong Abril 6, 1975:

Why did God create a single man at the dawn of creation and not an instant crowd, a multitude to speed up the population of the universe? I’ve always been intrigued by this question till I came across the works of a Talmudic scholar several months ago. He said:

Therefore was a single man only first created, to teach thee that whosoever destroys a single soul from the children of man, Scripture charges him as though he had destryed the whole world.

How many children of our men have been destroyed in this land of ours since our tyrant took over? How many have vanished in the night in the flower of their youth? How many are still dying in the south in a useless carnage that could have been easily averted? How will he be charged by the Scripture – he, who destroyed not ony one soul but a crowd, a multitude?
Palitan mo lang yung he ng she. Pamilyar? Hindi nakapagtataka. Inuulit pa rin natin ang kasaysayan.

~O~O~O~

Para sa mga nagtataka kung sino talaga si Jenny dela Cruz at kung bakit ko siya binanggit sa subtitle ng sulating ito: siya ang aming 1st Honourable Mention sa aming klase nang magtapos kami ng Mataas na Paaralan. Hanggang ngayon tanda ko ang kanyang sinasabi sa akin tuwing nasosobrahan ako sa pag-iisip, o pagsusulat (kagaya ng ginagawa ko ngayon):

Ang simple-simple pinapahirap mo. Kaya ka hindi makakilos kasi hindi ka tumitigil mag-isip gayong kailangan mo na gumalaw.

Hawak ko ito sa aking pagnanasa maging pragmatiko, pero isa ito sa mga winasak ng aking formasyon bilang mag-aaral ng teory sa ilalim ni G. RR Raneses. Nawala ang dikotomiya ng pag-iisip at pagkilos. Ang pag-iisip ay pagkilos, at ang anumang pagkilos ay hindi maaaring hindi pinag-isipan. Pero hindi ko pa rin kinakalimutan ang paalala sa akin ni Jenny dahil sa tuwing nag-iisip ako ng mga bagay na hindi na tama, lagi siyang lumalabas sa isip ko para sabihing “tama na iyan; huwag ka magpakalubog sa mga bagay na hindi mo pa lubusang alam at baka pagsisihan mo lang.” Kumbaga, ang konsepto ng mean. Ang ἀρετή ni Aristoteles. May pagkakasunduan naman pala sila.

Ang masaklap lang nito, adik siya sa Twilight. At oo, walang nagbabago sa aking San Diego.

~O~O~O~

PAGWAWAKAS: Isa na naman itong mahabang pagmumuni-muni. Kung kilala mo ako simula pagkabata dapat sanay ka na. Pero isang bagay na ako mismo hindi masasanay e makasulat ako ng lagpas sa 20 pahina. Malaking trauma siguro sa akin ang magtesis. Anupaman, bunga ang mga isiping ito ng lahat ng naganap sa loob ng 3-4 na oras kong pag-uwi sa Muntinlupa sa pagwawakas ng semestreng ito. Ewan, ikaw na ang bahala aking mambabasa. Kung pinagtiyagaan mo ito, maraming salamat at kagaya ng mga unang pari: “sana’y may napulot kang gabutil na ideya.”

Sinimulang isulat: 11:27 ng gabi
Natapos isulat: 2:44 ng madaling araw

No comments:

Plurk