Monday, November 2, 2009

Verbatim

Ang bawa't salita ay isang ulos
Na pinahihiyaw ka
Sa bawa't saglit na namumutawi
Ang mga salitang
"pagniniig"
"tayo"
"magpasawalanghanggan"
Hanggang sumambulat
Sa ating mga pawisang katauhan
Ang alaala ng isang gabi
Ng isang dalangin
Ng isang pangarap na hindi magiging atin.

No comments:

Plurk