Friday, August 21, 2009

Sa Kapitalistang Pag-Iral at ang Subconscious

May mga pag-iisip at pag-iral talagang sabihin na nating sa sobrang radikal, posible nga sigurong nakakawasak siya ng pagkilala natin sa ating sarili. Yun bang sa labis na tila pagkakalas at pagkasalungat ng mga bagay na nais mong pagsama-samahin sa iyong buhay, maaaring isang malaking implosyon ang maganap... pero iyan naman ay sa aking pagpapalagay lamang, na marahil bunga ng walang-wawang displacement na aking naranasan sa mga nakakaraang araw.

1. Aminin na natin, maraming mga naganap na may halaga sa pambansang kamalayan na hindi ko lubusang napahalagahan ni nagawan ng karampatang pagkilala sapagka't ang mga sektor pribado na aking kinabibilangan ay hinatak ako nang madalian. Hindi ko naman masisi, pero hindi ko rin magawang matino. So, ano ang magagawa natin kundi ang sinabi ni Shakespeare:

Macbeth: If we should fail?
Lady Macbeth: We fail! But screw your courage to the sticking place, And we'll not fail.
...
Macbeth: If it were done when 'tis done, then 'twere well it were done quickly.
- Macbeth, Act I

Pero kung ako ang tatanungin mo, hindi masama ang sitwasyon: napakaganda nga e. Na hindi ko na natapos ang pagsasanay noong Miyerkules para sa pagsisilbi ng ACMG sa Simbahan ng Gesu ay hindi na ganoon nakakapanghinayang ng oras: yun na lamang maging guro mo sa pagsasanay na ito ang kamangha-manghang si P. Timoteo Ofrasio, S.J. ay isa nang napakalaking salpok sa iyong pagkilala sa Liturhiya. Kaya sa mga giliw na kapatid na nagsisimba sa Gesu, kung mapapansin ninyo na ganito na ang lokasyon ng servers' base area, huwag na kayo magtaka:

At ano ang paliwanag ni P. Tim kung bakit inilipat ang servers' base area:

Tandaan ninyo ang Liturhiya maraming mahahalagang simbolismo iyan, na hindi itinuturo sa inyo sa Teolohiya. Hindi naman alam ng mga pari yan kung hindi mo pag-aaralan. Bakit kayo maglulunan bilang magseserbisyo sa kaliwa ng altar, e hindi ba ninyo alam na hindi dapat nilalagyan ang kaliwa? There is
DEXTER, the Right where Light inhabits, and SINISTER, which is the habitation of evil. THE LEFT IS THE SYMBOL OF EVIL.

Marahil isa sa mga magandang argumento kung bakit hindi mabuti ang pagsamahin ang politika at pananampalataya sa isang kilos.

2. At muli, kahapong Huwebes sa aming klase sa Ph 101 - JJ kung saan naligtas na naman ang aming pangkat sa pag-uulat pero kami naman ang unang-unang mag-uulat ng aming mga artikulong pagsasanggunian ng aming sari-sariling papel. napaisip na naman ako nang malupit ni P. Luis S. David, S.J. nang biglaan ukol sa power in the margins:
We use to think of margins as beyond the edge of the earth, you look at the table top, we look at margins as somewhere to fall off. But that is a mistaken notion: power is getting to be exercised… look at how we see more dollar remittances despite global economic downturn. What keeps you afloat, ARE THE OFWs! Not Ayala, not Gokongwei, not Henry Sy, not Enrique Razon, not Arroyo’s know-how in economics. What is keeping us afloat is OFW REMITTANCE! From those sending us remittances, we should be appreciative of them. Why is it that we devote one page to people working on the margins, the deceased 24 marines, yet we always devote to Gloria’s dinner?!

The real movers are as close as where you are standing! Isn’t that a correct way of how things really work? That 80 million families do not wait for the government, we’ll be working for ourselves. And that is where the action really is!
Why focus at celebrities’ lives when they show you nothing to understand your lives better? The lives of Sam Milby and Bea Alonzo are not real lives, so bakit tayo nakatutok sa mga pantasya na yan?! Nakatutok tayo sa isang drama ng teleserye na hindi naman tunay na buhay? So why treat it as if it is the Holy Grail?! Hindi naman totoo, court proceedings are mediated by money and connection, and yet you have the drama of the blindfolded Lady Justice. Why do we spend too much time on fictions that we do not need to live?

That is why we should look at disciplinary power arrangements. We should call capillaries major arteries, they are the fiction. Major capillaries are the major arteries. Let’s pick up the end of the stick, not its fantastical romantic end. The present system as configured is the fantasy.
We are talking of strategies supporting populations which are administrative matters. A population is a country trying to run itself. Maybe nearer its beginning, it may have some efficacity, but we appear to have moved beyond the point where it had been efficacious so now we are at point of diminishing returns. A disciplinary regime is built like Transformers: not as fast, but as dramatic. Maybe it’s time to transform, and there’s no shame to do that because the disciplinary regime expects you do that. It is a structure completely of tin that throws out can openers. It teaches its denizens to use them: it gives us tools, but it also gives us can openers. The disciplinary regimes teach them to do the masters’ house, but it can also unmake the masters’ house and build a new structure altogether.

Maybe we can have amalgams, combinations that way, but we cannot allow things to stand when they have stagnated. That is the context in which we explore other possibilities because we do not want stagnation. The disciplinary structures precisely take away your fixation from empty panopticons. It is the miracle of Pentecost, the Holy Spirit is most effective when it is gone without a trace. Foucault says power is most effective at the capillaries. In a way it’s very counter culture because we tend to fossilize central authorities, generally the fare we are brought up on and accustomed to. It is the irony: it does not correspond to anything real yet we focus. GET REAL. We expect you as denizens of disciplinary society TO GET REAL.

- Fr. Luis S. David, S.J., Lecture, August 20, 2009
Muli, tila baga binibigyang-pansin natin ang pagtatakdang pansarili upang lumikha ng mga pamamaraang tagakalas mula sa mga perspektibang nagkakahon sa atin sa mga mapaniil na lipunan. Tila baga sinasabi nating naiwawaksi talaga natin ang mga paniniil ng sentro kapag tayo'y nagtatatag ng kataliwas na mga pag-iral. Nguni't marahil, tila nakakalimutan natin na ang mismong pagwawaksi sa sentro ay ang pagkilalang mayroon ngang sentro, na mayroong dapat iwaksi. Masakit sa ulo, ibigay natin yun, pero hindi maiiwasan ang dikotomiya, hindi natin marapat iwan ang pagtanaw sa soberanyang kapangyarihan dahil tanging dito natin makikita ang isang malinaw na pagkilos. Mahirap umusad kung walang homo sacer.

At marahil, sa konteksto ng aming pagpupulong noong Miyerkules, hindi talaga ang "pinaka-crucial" na salik na dapat pag-alalahanan ay hindi ang miyembrong marami nang nagawa, kundi ang miyembrong wala pang nagagawa.

3. Sa pag-uwi ko habang tinatalad ang kahabaan ng Makati, naunawaan kong muli kung bakit nga ba napakahusay ng kapitalismo na panghawakan ang buhay nating mga bahagi ng "henerasyong MTV": mga batang ang aktibismo ay pagsusulat sa blog, pag-superpoke sa mga networking sites, pagsusuot ng mga statement shirt, at pagyayabang na ang pakikipaglibing ay "pakikisali sa isang mobilisasyon."


PUNYETA, NAPAKABABAW NATIN. MASYADO TAYONG NATUTUWA SA SENSASYON. MASYADO TAYONG NAKISAWSAW SA ETIKA NI HEATH LEDGER NA HINDI NA NATIN KILALANG KAILANGANG MAGING SERYOSO... SERYOSO SA PAGWASAK HABANG TUMATAWA.


Kagaya nito. May ipinagyayabang ang Ayala Malls na gift of over 1000 choices:

May ibinibigay na discount ang Figaro basta P200 mahigit lang ang bibilhin mo...

Sa Yoshinoya naman ay patitikimin ka ng green tea at bibigyan ng free fruit jelly basta sagutin mo lang ang survey...


Hihiritan pa ko ng mga ito para namang hindi mismo ako nagsusurvey...


So ano ang punto ko? Ipinagmamalaki sa atin ang ating kalayaan, ang ating demokrasya, dahil nakakapili tayo ng maaari nating gawin. Sapagka't nakakapili tayo, ibig sabihin malaya tayo. Dahil kung pipilitin tayo sa isang pagpipilian, hindi tayo malaya, di ba?

MALI!!! BAKIT KAILANGAN MAMILI? Ang pagpili, sa kanyang naturalesa, ay sinasabing nakakahon lamang tayo, limitado lamang tayo ng mga pagpipilian. So, paano tayo naging malaya?

At ito ang ating nakamit na "demokrasya," pagkatapos ng EDSA.

Kung saan ang isang maituturing na mabuting pagkilos ng emansipasyon para sa mga kababayan nating dukha ay banyaga pa ang nagbigay ng paraan, na malamang sa malamang kuwestiyonable pa rin dahil Kanluranin ang konsepto, Kanluranin ang namamahala.

(Kung gusto mo malaman kung ano ito at kung paano ka makakatulong sa ating mga kumpareng mahihirap, tumungo DITO.)

Maganda sana, pero imposible ang iwaksi ang mga pagkakahiwa-hiwalay ng mga bansa. Imposible ang huwag tignan ang lahi, ang bayan. Sa ugnayan at kaayusan ng mundo, WALA TALAGANG PUWEDENG ITURING NA SUI GENERIS. Kaya sa mga ganitong pagkakataon, puwede kong sabihin isa sa mga tagapagpalaganap ng BS ng makabagong panahon si Michael Jackson. At hindi siya dapat mas mataas sa estante kaysa kay Corazon Aquino.


Oo, kamamatay lang niya, demmit, pero namatayan din ang bayan ko ng isang ina.

Minsan tuloy, sana nga, dumating ang bayolenteng pagkakataon na ang lahat ng pinanghahawakan kong pumipigil sa akin na ibigay ang sarili kong buong-buo sa pakikitalad ay mawala sa akin... at matira na lamang sa akin yung mga maaari kong gamitin para sa pakikibaka. Kagaya nila:



4. Oo, nakapagshoot kami ng proyekto namin ngayong araw na ito. Oo, kahit medyo problematiko ito mamayang umaga pagbyahe ko pabalik ng Katipunan, nasa Muntinlupa akong kasama ang pamilya bago magtrabaho para sa aking JEEP Insertion (na sobrang naaaberya na). At oo, tulog ako maghapon kaya wala rin ako nagawang pag-aaral.

Pero hindi ako tinakasan ng TV Patrol sa aking subconscious. Nakakatawa man, napapanood ko at naririnig ang broadcast sa aking panaginip...



At nabalita sa akin ang mga remix ng mga kanta. Mga pag-alala sa mag-asawang Benigno at Corazon. Minsan ko nang sinabi na hindi natin maikakalas kay Benigno at Corazon Aquino ang kanilang pinagmulang elitista, pero sila ang naging imahen ng demokrasyaong popular. At kung bakit tayo narito... sa mismong kalagayang nilabanan nila



at sa ilalim ng isang walang-hiyang Pangulo na may kapal ng mukha na huwag kilalanin ang sigaw ng mamamayan para sa kanyang pagkawala. Maski yung in-your-face nang pagtuya ng Kamikazee at yung garapalan nang pagkondena ni Conrado de Quiros (na nasundan pa!!!) e hindi tatalab sa tigas ng mukha nitong aleng ito. Kaya tuloy hindi ko alam kung matatawa ba ako o maaawa sa mga nakakatanda kong nagtatrabaho sa ilalim ng opisina nitong walanghiyang ito e.


OO, NAAWA TALAGA AKO. DAHIL HINDI KARAPAT-DAPAT SA DEDIKASYON, TATAG NG KALOOBAN AT KARANGALAN NG ATING MGA KAPATID NA SUNDALO ANG IPAGTANGGOL ANG SOBERANYA NG ISANG OPISINANG BINALAHURA SA LOOB NG LABINDALAWANG TAON.

Pero hindi na sapat ang awa.

Tama na ang pagkaawa.

Sobra na ang pagkaawa.

Sumuko na tayo sa pagkaawa.

DAHIL SILA NA ANG MAGIGING KAWAWA.

But they never cease, for a single instant, to instill into the working class the clearest possible recognition of the hostile antagonism between bourgeoisie and proletariat, in order that the German workers may straightaway use, as so many weapons against the bourgeoisie, the social and political conditions that the bourgeoisie must necessarily introduce along with its supremacy, and in order that, after the fall of the reactionary classes in Germany, the fight against the bourgeoisie itself may immediately begin...

In short, the Communists everywhere support every revolutionary movement against the existing social and political order of things. In all these movements they bring to the front, as the
leading question in each, the property question, no matter what its degree of development at the time.

Finally, they labour everywhere for the union and agreement of the democratic parties of all countries.

The Communists disdain to conceal their views and aims. They openly declare that their ends can be attained only by the forcible overthrow of all existing social conditions. Let the ruling classes tremble at a Communistic revolution. The proletarians have nothing to lose but their chains. They have a world to win.

WORKING MEN OF ALL COUNTRIES, UNITE!

- Karl Marx and Friedrich Engels, The Communist Manifesto
~O~O~O~

Postscript: Okey, given, masyadong caustic, mahaba, at ngumangatngat ang pagsusulat ko, pero ito lamang ang mailalabas ko sa pagkahalo-halo ng samu't saring mapait, masakit at nakapambubuwisit na suliraning bumabagsak sa buhay ko ngayon. Wala akong aasahang iba pa, kundi tanging ang aking panulat lamang.

No comments:

Plurk