
Buong buhay ko, wala kayong ginawa kundi husgahan ako, basahin ako. Kinuha niyo na ang lahat sa akin. Kung anu-anong hiningi ninyo, pero hindi niyo pa rin makita kung sino ako. Marami na akong ibinigay, bakit pati ang buhay ko? Patahimikin niyo na ako, para makita ko ang sarili ko!- Jose Rizal, sa pagganap ni Cesar Montano
Siguro isa sa mga unang matutuwa sa pagiging napakaligamgam (kundi mas malamig pa sa Snow World ng Star City) na pagtanggap ng ating mga mamamayan sa pag-alala natin sa araw ng kamatayan ni Rizal ay, kakatuwa, SI RIZAL MISMO. Marahil kung nangyari lamang na may sariling buhay ang mga namayapa na at uso ang internet doon, ganito rin ang iniisip ni "Lolo Pepe" ngayon (pasasalamat kay Bb. Pauline Oyco):

Ilibing niyo ako sa lupa. Lagyan ninyo ng panandang bato at krus. Ang aking pangalan, araw ng kapanganakan at ng kamatayan. Wala nang iba. Kung pagkatapos ay nais niyong bakuran ang aking puntod, maaari niyong gawin. WALA NANG ANIBERSARYO. Mas mabuti kung sa Paang Bundok. Kaawaan ninyo si Josephine.- Jose Rizal, Sa aking pamilya, Isang liham na walang petsa.

Unang Emo, Unang Pilipino
Si Rizal mismo ay umaaming marami siyang suliranin at paniniwalang tunay na humahadlang sa kanyang kakayanang kumilos bilang kabahagi ng isang pamayanang Pilipino. Makikita ito sa kanyang liham kay Ferdinand Blumentritt sa kung bakit pinili niyang kumalas na sa Kilusang Propaganda:
You would like me to write an article for Soli, but I must confess to you that my intention is not to work on any further article for that periodical. I could have told you this earlier, but I wanted to hid from you the disagreeable attacks against me. We have been through a lot together. You already write [for it], and I compeltely agree with what you can write. What Blumentritt and Rizal can do , Blumentritt can do on his own. I have suggested many projects, but they carried on a secret war against me; they call me "Idol," says I am a despot, etc., when I wished to get the Filipinos to work. They wrote about all this to Manila, twisting the facts, saying that I want this and that - which was hardly the truth. From various people I have learned that even before my Filibusterismo went to press, they were already saying that it was worthless and far inferior to the Noli. Many secret pettinesses are going on, as though they wished to destroy the little reputation that I have. I am withdrwing in order to forestall a schism: let others take the political lead. They said that Rizal is too difficult a personality; good then, Rizal goes his own way; obstacles ought not to come from me.- Jose Rizal, Letter to Ferdinand Blumentritt: 4 bis Rue Châteaudun, Paris, October 9, 1891

Kung ang libingan ko'y limot na ng lahat
at wala ng kurus at batang mabakas,
bayaang linangin ng taong masipag,
lupa'y asarolin at kauyang ikalat.At mga buto ko ay bago matunaw
mauwi sa wala at kusang maparam,
alabok ng iyong latag ay bayaang
siya ang babalang doo'y makipisan.
Kung magka gayon na'y aalintanahin
na ako sa limot iyong ihabilin
pagka't himpapawid at ang panganorin
mga lansangan mo'y aking lilibutin.- Jose Rizal, Mi Ultimo Adios, sa salin ni Andres Bonifacio
Ganoon katindi ang kaemohan ni Rizal, kung tutuusin, na maski si G. Rolando Tolentino sa kanyang aklat na Sipat Kultura ay hindi napigilang mapa-"Chinkee mae!" sa pagiging desperado nguni't narcisistiko ng mga linyang ito. Sabagay, may kasabihan nga naman pala na halos lahat nga naman pala ng mga pilosopo ay emo, kaya pwedeng given na yun. Pero hindi yun ang punto natin. Natatandaan natin kung papaanong si Jesucristo mismo ay nagsabing hindi kulang sa pagdangal ang isang propeta liban sa kanyang sinilangang bayan (Lucas 4:24) at paanong pwede rin nating sabihin ito ukol sa ating mga bayani.

Isang Pagtataksil

Sometimes you might think that Dr. Rizal would have been like many of our political leaders today, maraming salita, kaunting gawa. Because he wrote and spoke so well. But in his four years in Dapitan, he was puro gawa, kaunting salita. He provided health care. He provided education. He built water systems. He taught technology in agriculture and fishing. He did many things -- with his own hands -- to create a better life for people...
Dr. Rizal understood that in Dapitan. In Spain and Manila, he wrote and preached against injustices. In Dapitan, he simply worked to create the foundations for a better life for the people. He may well have launched Gawad Kalinga a century ago.

This Rizal may well be the solution to our country’s problems for, as Nebres argues, today “there is so much talk and so little done.” Indeed, although a lot of Gawad Kalinga’s development approaches have been questioned, it is undeniable that it has contributed to the reduction of slums. Ateneo’s education programs in depressed areas likewise contribute to long-term national development.
But what are the implications of de-emphasizing political criticism in favor of immediate concrete action? Historian Floro Quibuyen argues that the image of an apolitical Rizal was used by the American colonial government to encourage Filipinos to cooperate with them even as they subjugated the country. Reminding Filipinos of the anti-colonial and revolutionary Rizal would have been unwise given their mission of pacification.
Similarly, in the context of the Ateneo, this Rizal and the framework of nation-building that it’s associated with has been used to question and erase the university’s long history of social and political activism. ...
This anti-politics atmosphere has made it difficult to forward issues of national concern in the university. I was witness to the lethargy of many students and teachers during the time when mobilizations were being made to protest the NBN-ZTE scandal. I saw how this withdrawal from issues of national concern influenced the moderate stance taken by the Ateneo regarding the issue of whether Arroyo deserved to stay in power. While basketball nemesis La Salle called for resignation, Ateneo called for reflection. An administrator personally rebuked me when I said the university should join the lobby for the Freedom of Information Act since it would allow the public to scrutinize shady deals like the NBN-ZTE. Won’t work, I was told; let’s just lobby for another disaster relief bill. It doesn’t surprise me, then, that in her final State of the Nation Address this country’s most despised president claimed the university and its president as partners in her goal of building a strong republic.
There is one major flaw in the university’s anti-politics framework: the claim that activism with its attendant criticism of national politics does not work. It does. In the 1970s, the “talk” of student activists (many of them Ateneans like Edgard Jopson) conscienticized an entire generation, exposing them to the ills of authoritarianism. It was a slow process - educating and opening people’s eyes takes time – but it worked. When the crowd in EDSA overthrew the dictator, it was a victory for those who fomented dissent. It was the legacy of the makibaka activism that is currently derided in the Ateneo. And lest we think that nothing was gained from EDSA, one should consider that we currently have a free press, participate in regular elections, and have a growing civil society. Political scientist Nathan Quimpo, for instance, claims that grassroots NGOs who engage in legal activities like aiding farmers in land reform cases were few and far between before EDSA. It was the revolution that opened this democratic space. Our system isn’t perfect, but it’s significantly better.



Muli't muli, nanatiling isang anino si Rizal sapagka't hindi tayo ipinapakilala sa kung sino talaga siya. Siguro, sa ating "nilinis" na paglalahad ng kasaysayan, hindi natin siya makikilalang kahit kailan liban na lamang kung tayo mismo ang kakalas sa ating mga muhon, at walang-sawang magkakalas sa mga karaniwan nang pinaniniwalaan. Minsang sinabi ni Michel Foucault na sa mga gawaang tagahubog (disciplinary structures) kumikilos ang tao at siyang nagbibigay sa kanya ng kakayanan, nguni't magiging tunay lamang siyang malaya kung kaya niya itong lusutan ang pasikut-sikot at siya mismo ang humawak sa kanyang pagsuong sa buhay, nguni't di nakakalimot sa gabay ng mga nauna sa kanya.

MARAPAT NATING SABIHIN, KUNG TUTUUSIN, BILANG SINUWAY NI RIZAL ANG KAUTUSAN NI DONYA TEODORA ALONZO BATAY SA KUWENTO NG GAMU-GAMO, NA TANGING ANG MGA BATANG PASAWAY LAMANG ANG MAAARING MAGDALA NG PAGBABAGO SA ATING BAYAN. ANG LUBOS NA PAGDAKILA SA PAMILYA ANG SANHI KUNG BAKIT TAYO HAWAK SA LEEG NG ESPANYA NOON. GANOON DIN NGAYON: SA SOBRANG PAGNANASANG PANATILIHIN ANG ATING MGA MAG-ANAK, NAWALA NA ANG ATING TUNGKULING PAGLINGKURAN ANG BAYAN.

Ang inyong anak ay hindi n'yo anak,
Sila'y mga anak na lalaki't babae ng buhay!
Nagdaan sila sa inyo ngunit hindi inyo,
At bagama't pinalaki n'yo, sila'y walang pananagutan sa inyo…
Tumigil na tayo sa pagsunod sa modernong panahon: winawasak lamang tayo nito. Panahon na upang balikan ang nakaraan,

At sa ganitong paraan lamang natin maiiwan ang isang ritwal ng pag-alalang hindi naman makatwiran at lalo lamang naglalayo sa atin sa kanyang diwa.
Anong gagawin mo kapag malaman mong sa lahat ng mga naisulat mo, kapag ika'y namatay na, ay wala ni isang makaalala?
Para mo na rin akong sinintensyahan ng kamatayan.- Kathang-isip na pag-uusap ni Jose Rizal at ni Tenyente Luis Taviel de Andrade,
Jose Rizal, GMA Films

Pagsalitain Natin si Rizal by Hansley A. Juliano is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 Philippines License.
Based on a work at kalisnglawin.blogspot.com.