Bunga ng isang hapong umaambon, isang alaalang nais ibaon
Sa bawat karayom na bumabagsak ay inaantay ko
Ang huling sandaling nakakabit ako dito
Upang muling balikan ang lupang aking minulan
At magbigay-buhay muli sa kasariwaan
Ininis ng sigwa ang libo-libong mga kasama
Mga malaong nanilaw o nagkape sa pagtanda
Lalo't ang layong magpailaw ay di na mabuti
At kulay sa kabataa'y malaon nang lugami
Nariyan nga't ilang ulit kang inaantay;
Manggagapas ng karimlang sa puso'y aagaw
Pagka't suson-susong pasanin, kahit makulay
Hindi rin makayanang ibahagi aking sigaw
Mangyari lamang sanang sa aking paglisan
Ang unang ngiting silay na saki'y pumukaw
Na ako sana'y patawin sa aking kapangahasan
Upang pagsinta'y manatili sa sinag ng araw.
Thursday, May 14, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment