Tuesday, May 19, 2009

Sapagka't Si Gary Valenciano (yata) Ang Umawit ng Pambansang Awit Natin


Ginising ako ng umagang ito ng isang malupit, nakakabuwisit at, puwede ba nating sabihin, NAKAKAPAGPAULAN NG NAGBABAGA'T NAKALALASONG PUTANG-INANG headline.

Says plan backed by ‘legal study’


Hindi ko maunawaan kung paano mo sasabihing isang "legal study" ang iyong sinasabi kung hindi mo masabi (isa ka pa Burak Jojobama!) kung saang pambalot ng tinapa (paumanhin sa mga tagagawa ng pambalot ng tinapa at mga tabloid) mo nakuha ang interpretasyon mo ng probisyon ng Saligang-Batas ukol dito. Pinagtatalunan sa isyung ito ang mga probisyong ito:

a. The President and the Vice-President shall be elected by direct vote of the people for a term of six years which shall begin at noon on the thirtieth day of June next following the day of the election and shall end at noon of the same date, six years thereafter. The President shall not be eligible for any re-election. No person who has succeeded as President and has served as such for more than four years shall be qualified for election to the same office at any time.

b. No Vice-President shall serve for more than two successive terms. Voluntary renunciation of the office for any length of time shall not be considered as an interruption in the continuity of the service for the full term for which he was elected. (emphasis mine).

- Section 4, Article VII, 1987 Philippine Constitution

Sino ang nagsabing mga "legal luminaries" na pupuwede? Batay sa pagbabanggit ni P. Joaquin Bernas, S.J., Dean Emeritus ng Paaralan ng Abugasya ng Pamantasang Ateneo de Manila, na ang BULUGANG ito (bastos pakinggan oo, pero hindi ko magawang dulutan siya ng kahit kaunting paggalang) ay nagdulot bago siya magbitiw ng isang kartang nagbabanggit na siya ay "nagbitiw" na sa tungkulin. Sa pagbabanggit na ito ng Saligang-Batas, hindi maaaring ituring na pagkaantala ng tungkulin ang pagbibitiw. May mga mangmang na mangangahas sabihing dahil ito'y kabahagi ng Subsection 4.b ay para lamang ito sa mga Bise-Presidente, pero iniiwan ko na ang usaping ito sa mga lumikha mismo ng Saligang-Batas.

Ano nga ba ang aasahan mo sa mga ganitong usapin. ng lehitimasyon at legalidad.. Kung minsan tuloy hindi ko mapigilang tumawang mapait sa sinabi ni Padre Fernandez:

To stamp out a small evil, there are dictated many laws that cause greater evils still: 'corruptissima in republica plurimae leges,' said Tacitus. To prevent one case of fraud, there are provided a million and a half preventive or humiliating regulations, which produce the immediate effect of awakening in the public the desire to elude and mock such regulations. To make a people criminal, there's nothing more needed than to doubt its virtue. Enact a law, not only here, but even in Spain, and you will see how the means of evading it will be sought, and this is for the very reason that the legislators have overlooked the fact that the more an object is hidden, the more a sight of it is desired. Why are rascality and astuteness regarded as great qualities in the Spanish people, when there is no other so noble, so proud, so chivalrous as it? Because our legislators, with the best intentions, have doubted its nobility, wounded its pride, challenged its chivalry! Do you wish to open in Spain a road among the rocks? Then place there an imperative notice forbidding the passage, and the people, in order to protest against the order, will leave the highway to clamber over the rocks. The day on which some legislator in Spain forbids virtue and commands vice, then all will become virtuous!

- Padre Fernandez, The Reign of Greed (El Filibusterismo), Jose Rizal (translated by Charles Derbyshire).

Tilang tamang-tama naman yata ngayon na sa klase namin sa EC 102 sa ilalim ni G. Greg Orara ay pinagsisikapan namin ang pag-uunawa sa pandaigdigang kalakalan. Mga ulit na niyang pinanindigan na dala na rin ng sistemang patron o "bata-bata" na pinalaganap ng bulugang ito ay hindi ka nga magtataka na lalo lamang naipon ang salapi ng bansa na dapat ay umiikot. Kaya nga hindi ko pipigilan ang mga magsasabi ng "NEVER AGAIN!!" Dito mo nakikita kung paanong kahit na mas kahila-hilakbot at kasuklam-suklam ang naging mga kasalanan ni Gloria Arroyo, hindi mo rin masasabing naging mas maayos ang nakaraang mga taon kung natapos niya ang termino niya (salamat at kinahabagan tayo ng ating mga sarili).

Mas lalong tagos rin na sa araw na ito ay pinag-usapan namin sa Hi 165 kay Dr. Ambeth Ocampo ang "unang dayaan sa eleksyon" sa Kapulungan ng Tejeros, na nagwakas sa kamatayan ni Supremo Andres Bonifacio. Bagaman sa usapang ito ay maraming kalokohang usapin (lalo na yaong pinakakalat ng mga bangag na historyador Marxista), isa pa rin itong klasikong usapin ng ating matatawag na sakit ng makasaysayang pagkalimot (historical amnesia).

Hindi natin mapansin-pansin na ilang ulit na tayong kumakanta ng

Isang ngiti mo lang
At ako'y napapaamo
Yakapin mong minsan
Ay muling magbabalik sa'yo
Na walang kalaban-laban...

habang kinakalnatari't pinagmumukhang tanga ng neoliberal demokratikong sistemang ito habang ang dapat naman talaga nating inaawit ay

Walang ibang maasahang Bathala o manunubos,
Kaya ang ating kaligtasa'y nasa ating pagkilos.
Manggagawa, bawiin ang yaman, kaisipa'y palayain.
Ang maso ay ating hawakan, kinabukasa'y pandayin.

No comments:

Plurk